○ Chapter Twenty-Six ○

5.2K 109 0
                                    

Gab's POV

"Wala. Nang-aasar lang ako sa'yo."

PAK!

Sa sinabi niyang yun, hindi na ako nakapag-pigil. Sinampal ko siya. At hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Para san yon?!" tanong niya na parang nagagalit na naiinis.

"Para san? PARA SAAN? SA LAHAT! SA LAHAT NG PAGPAPAHIRAP NA GINAWA MO SAKIN! NAKAKAINIS KA! KUNG SANA HINDI KITA NAKABUNGGO NUNG ARAW NA YUN, EDI HINDI SANA AKO NAGING ALILA MO! HINDI SANA NAWALA SAKIN ANG FIRST KISS KO AT..." tumigil ako sa pagsasalita. Muntik na akong mapaamin na may gusto ako sa kanya. Katahimikan ang namayani sa condo unit ni Matthew. Hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko at hindi din naman siya nagsalita.

"Bat hindi ka nagsasalita?" tanong ko after ilang minuto ng katahimikan.

Pero just when I thought na seryoso na ang paguusap namin, nagulat ako nung tumawa na naman siya.

"Hindi ko alam na ganito ka magdrama." panimula niya. "Nung grade five kasi tayo, kahit may masakit sa'yo di mo iniiyakan eh."

"EH ANO NAMAN KUNG NAGDA-DRAMA AKO NGAYON?" sigaw ko. Caps lock talaga ang dapat kong gamitin sa mga oras na 'to para intense.

"Hey, I'm sorry. Ano bang gusto mong mangyari? Itigil  na natin yung pagiging slave mo? I can do that. And hindi ko na rin papabayaran."

Huh? Ititigil na? Talaga? Kung inaakala niyong masaya ako, hindi. Bakit? Dahil sa kanya. Ibig sabihin ba nun wala na kaming magiging connection?

"HINDI PWEDE!" sigaw ko.

"Huh?" tanong niya. "Akala ko ba ayaw na ayaw mo sa deal na 'to? Ngayong okay na saking tapusin, ayaw mo na?"

"OO! HINDI PWEDENG TAPUSIN. KASI..."

"Kasi ano?"

"KASI..."

"Kasi ano nga?"

"KASI AKO YUNG TAO NA ONCE MAY DEAL NA PINASOK, TATAPUSIN KO YUN KAHIT ANO PANG MANGYARI. KAYA HINDI PWEDE."

Phew. Medyo nakaligtas ako dun ah.

"Teka nga, bakit kanina ka pa naka-Caps lock?"

"KASI GALIT AKO SA'YO."

"Eh nag-sorry naman na ako ah."

"HINDI ENOUGH YANG SORRY MO. NAPAKA-HALF HEARTED!"

"Eh anong gagawin ko kung ayaw mo ng sorry ko?"

.

.

.

"Mahalin mo ako!"

.

.

.

Joke. Hindi ko yan sinabi. Anyway, bakit ko ba naiisip ang mga ganitong bagay? Pagnagkaka gusto ka ba sa isang tao, nagiging corny ka?

"WALA. WALA KANG DAPAT GAWIN."

"Ha? Ang gulo mo din ah."

"AH BASTA! OO NA HINDI NA AKO GALIT SA'YO." tumalikod na ako sa kanya at nagsimula na maglakad palabas.

"Ha? Ano ba talaga? Uy!" hinigit niya ako pabalik at pumalag ako kaya nasuntok ko siya sa pisngi ng di oras.

"WAH! Sorry! Sorry! Sorry!" ako.

"Aray. Ang sakit mo din manuntok noh?" hinawakan niya ang pisngi niya at napa-aray ulit.

"Sorry. Sorry talaga. Teka, gagamutin ko. Saglit lang."

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now