○ Chapter Twenty-Nine ○

5.8K 109 0
                                    

Gab's POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos maging 'kami' ni Matthew. Nasabi ko na siya kina Alison at Kevin at natuwa naman sila. This past few weeks ay naging busy din ako. Malapit na kasi ang 18th birthday ko at sabi ni mama magde-debut daw ako. Sa Wednesday pa talaga ang birthday ko pero sa Sunday na ang party. Friday ng gabi, nandito sa bahay si Matthew. Nasa living room kami, nanonood ng TV.

"Gab."

"Mm?"

"Uuwi na sina dad from their business trip. Bukas ang dating nila. Just in time before your debut."

"Talaga? Excited na akong ma-meet sila."

"Excited na din silang makilala ka. Lalo na si mom." nakangiti niyang sabi sakin.

"Talaga? Pero, pano kung di nila ako magustuhan?"

"Hindi ka pa nila kilalang kilala pero marami na silang alam sa'yo at gustong gusto ka nila. Dahil nga papa mo ay ang  si Mr. Santiago na head ng technical department ng company, they know that you're great just like your father." ngumiti siya nung sinabi niya yun kaya napangiti din ako at kampante nang makilala sila. Nakakatuwang isipin na gusto ka din ng magulang niya.

Inakbayan ako ni Matthew at sumandal naman ako sa kanya. Ang sweet naman ng gabing 'to. Kaso nga lang . . .

"Uy, Sherlock na! Makikinood ako ah." si Ate Jane. Sumunod din si ate Casey para makinood din.

Naku, panira naman ng moment oh. Tinanggal ni Matthew ang pagkakaakbay niya sakin at umayos din ako ng upo. Ang awkward kayang makita ka ng mga kapatid at parents mo. Hahahaha! Kahit pa okay lang sa kanila, hindi okay sakin. >__________<

"Gab," bulong ni Matthew.

"Bakit?"

"Uh, napansin ko lang kasi na di pa tayo nakakapag ano ngayong tayo na." bulong niya ulit.

"Ha?! Anong nakakapag 'ano'?!"

"Nakakapag 'ano' ..."

"Tigilan mo nga ako Matthew! Hindi pwede!" Grabe! Ano bang iniisip neto ni Matthew? Ang bata bata ko pa at higit sa lahat, hindi pa kami kasal! Bakit ganito siya mag-isip?

"Bakit bawal? Hindi ba tayo pwedeng mag..." yumuko siya.

"Hindi nga eh!"

"Mag date?" mahina niyang sabi.

"Date?" nagulat ako. Ano bang iniisip ko? Nahihiya lang pala siyang sabihin yung word na 'date' kaya 'ano' lang ang nasasabi niya. Gusto niyang mag-date kami kaso nahihiya siyang magsabi. Hindi ba ang cute at ang sweet nun? Haay. Nakakainis naman yung iniisip ko.

"Oo. Ayaw mo ba?"

"Gusto ko!" biglang sigaw ko.

"Talaga? Susunduin kita bukas. Mga 10:00 am."

"Ang aga naman masyado?"

"Gusto ko din kasing kasama kita sa pagsundo ko kina mom and dad."

"Okay lang ba yun? Hindi ba parang nanghihimasok ako sa inyo? Ilang buwan din kasi kayong hindi nagkita. Excited silang makita ang anak nila tapos nandun ako na parang epal."

Ngumiti siya sakin. "Hindi din ba pwedeng makita na rin nila ang future daughter-in-law nila?"

OMG. Future daughter-in-law daw? Kinilig naman ako dun. :">

"S-sige. Sasama na ako." ano ba yan. Kinikilig talaga ako.

"Great! Alis na ako. Matulog ka na rin." hinalikan niya ako sa noo kahit pa nandun sina ate. Buti na lang di nila nakita dahil masyado silang engrossed sa panonood ng Sherlock. Nagpaalam na din siya sa kanila at umakyat na rin ako sa kwarto ko. Makakatulog pa ba ako nito? >//////<

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now