○ Chapter Twenty-Three ○

5.4K 110 0
                                    

 Gab's POV

"Anong may gusto ka na ulit sakin?" tanong ni Matthew.

Uhh... Anong sasabihin ko? Hindi niya pwedeng malaman. UGGGGGHHHHHH! Hmmm.. Ah!

"Oo! Gusto ulit kitang patayin. Ano bang ginagawa mo dito? Kung makapasok ka sa classroom namin kala mo classroom mo 'to! May next class pa kaya, chupi! Shoo!" pagtataboy ko sa kanya. Ano nga ba kasing ginagawa neto dito? Ginugulat ako eh.

"Wala nang next class. Suspended na. Hindi ka ba nakikinig sa announcement?"

"Ay ganun ba? Bat di ko narinig? Hahahaha!"

"Tara na. Nandyan na yung sasakyan."

"Ah. Saglit, aayusin ko pa yung gamit ko." Kaya pala siya nandito, susunduin ako. Medyo sweet ka din noh? Kung minsan. Hala! Tumigil ka nga sa mga pinagiiisip mo Gab! Si Matthew, sweet? ASA!

"Bilisan mo. Bago pa tayo abutan ng baha."

"Baha? Eh di naman binabaha yung dinadaanan natin pauwi eh."

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na pauwi. Mauuna na ako. Ang bagal mo." pagsusungit niya sabay lakad palabas ng classroom.

"Oy saglit! Tapos na ako mag-ayos! Wait lang." sigaw ko sa kanya. "O'sya, una na ako guys! Bye! Ingat!" sabi ko naman kina Alison.

Medyo mabilis siya maglakad ah. Ang layo na niya eh. Anyway, hinabol ko pa rin siya. "Uy! Ang bilis mo naman mapikon. Totoo namang walang baha sa dinadaanan natin eh." sabi ko nung makasabay ko na siya maglakad. "Psst! Uy! Sungit naman neto. Meron ka ba?"

Pagkasabi ko nun, tumingin siya sakin na para bang gusto na niya akong patayin sa sobrang ingay ko at sa mga sinasabi ko. "Sorry. Tatahimik na."

So ayun, tahimik kaming dalawa habang naglalakad sa hallway. Bat kaya ang bilis magalit neto sakin? Haaay. Hinanap ko yung sa bag ko yung payong ko nung makarating kami sa may labas ng building. Pero wala. Haaay. Nakalimutan ko palang magdala. Hindi kasi ako gumamit ng payong pagpasok kasi may sasakyan at deretso dito sa building. Kaso ngayon, nasa parking lot ng school yung sasakyan.

"Matthew? Eh, pwede pa-share sa payong? Wala kasi akong dala eh." tanong ko.

"Kung wala kang payong, magpaulan ka." sagot niya.

Napaka-cold naman ng lalaking 'to. Bakit ko ba inisip na sweet siya? Haaay. Galit ka talaga sakin ah? Fine! Edi magpapaulan ako. Kung yan ang gusto mo. Badtrip. Pinatong ko sa ulo ko yung bag ko at akmang tatakbo na sa ulan ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at pinigilan ako. Lumingon ako sa kanya.  Binuksan niya yung payong niya at sinabay ako sa ilalim nun.

"Joke lang yung kanina." sabi niya at naglakad na kami.

Hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad. Wait. Hindi ko marinig yung pagpatak ng ulan. Pero may iba akong naririnig. Isang malakas na tunog na nanggagaling sa puso ko. Tumingin ako sa kanya at lalong lumakas yung tunog na nanggagaling sa puso ko. Inialis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa nilalakaran namin. "I think I really like you now." bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?" tanong niya sakin.

"Huh? Wala akong sinasabi. Feeler 'to masyado."

"Anong wala? May narinig ako. Ano yun? I think I really ... now?"

Narinig niya nga! Buti na lang yung importanteng salita hindi niya narinig. "Wala nga akong sinabi eh. Kulit ng lahi neto."

"Sabihin mo ulit kung ano yung sinabi mo."

"Eh wala nga sabi eh!"

"Meron! Sabihin mo. I order you."

"UGGGHHHH! Ang kulit mo din talaga ah! Ganun ba ka-intriguing yung sinabi ko at gustong gusto mo malaman? Sabi ko, I think I really want to sleep now! Masaya ka na?"

"Yun lang naman pala eh!  Bat ayaw mo pang sabihin agad?"

"Ayokong malaman mo eh! Psh. Ewan ko sa'yo." >______________<

Wala kaming kibuan sa sasakyan habang pauwi. And here I thought bati na kami. Joke lang pala. Haaay. Di ko talaga mawari kung anong iniisip netong lalaking 'to. Pero narealize ko lang, buong paglalakad pala namin, magkahawak pala kami ng kamay. >/////< Anyway, nandito na naman ako sa bahay niya at nagluluto.

"Oy! Galit ka pa ba sakin?" tanong ko habang nagluluto.

"Hindi naman ako nagalit. Sadyang masungit lang ako. Di ka pa ba sanay?"

Oo nga pala noh? Masungit 'tong lalaking 'to. Mayabang pa! Haaay. Bakit ba nagkakagusto na ulit ako sa kanya? Huhuhu.

Matthew's POV

Tumahimik na siya. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? Lumingon ako kung nasaan siya at napansing nakakunot ang noo niya. Mukhang may kinaiinisan 'to ah. Ako siguro.

"Magconcentrate ka nga. Baka mamaya mahiwa mo sarili m—"

"AH!" pinasok niya ang daliri niya sa bibig niya. Mukhang nahiwa niya na nga sarili niya. Ano, wala siyang balak hugasan yung kamay niya?

"Tss."

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya at hinugasan at sinabon na rin.            


"Ah! Mahapdi." pagrereklamo niya.

"Kukuha lang ako ng alcohol."

"HA?! W-wag na. Okay na 'to."

Napangiti ako dahil dun. Di pa rin pala siya nagbabago.

"B-bakit?"

"Wala."

Kinuha  ko na yung alcohol at nilagyan yung sugat niya. Ayaw niya pa sana pero dahil mahigpit ang pagkakahawak ko, hindi niya matanggal yung kamay niya.

"ARAY!"

"Saglit lang naman kasi yung hapdi." sabi ko sabay hinipan ang sugat niya.

"A-anong ginagawa mo?" pagpa-panic niya.

"Kumakanta! Hindi ba halata?"

"Hindi! E-eh, bakit mo hinihipan?!"

"Para mabilis mawala yung hapdi. Diba ayaw mong mahapdi?"

"Oo! Pero kasi ang a-a...."

"Ang ano?"

"Ang awkward." pagkasabi niya nito, napansin kong namula yung mukha niya at tumalikod siya sakin. Anong problema nun? "Magluluto na ako." dagdag niya.

"Wala pang band-aid."

"O-okay lang. Magbabasa din naman ako ng kamay eh. Sige tatapusin ko na yung luto ko. Salamat."

Out of reflexes, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siyang umalis. Napalingon siya sakin.

"B-bakit?"

"Bat ang pula ng mukha mo? May lagnat ka ba?"

"Huh? Mapula ba yung mukha ko?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tumayo ako at hinawakan ang noo niya. Hindi naman mainit. Pero hindi rin normal yung body heat niya. Pero bat parang nung hinawakan ko yung noo niya, lalong uminit yung temperature niya?

"Mainit ka. Pero hindi lagnat. Masama ba pakiramdam mo?"

"H-hindi! Hindi masama yung pakiramdam ko." sabi niya habang inaalis ang kamay ko sa noo niya at yung kamay kong nakahawak sa kamay niya. "O'sya siya. Magluluto na talaga ako."

Gab's POV

Naglakad na ako papuntang kusina nang bigla niya akong pigilan.

"Wait lang. May itatanong lang ako." sabi niya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Napapansin ko lang. Pero, may gusto ka ba kay Paul?"

Napaisip ako. Ang weird. Bakit ganun? Usually pag tinatanong ako neto ng mga kaklase ko, sasagutin ko sila agad ng 'Oo naman!' Pero bakit ngayon, pinag-iisipan ko pa kung oo ba o hindi? Anong isasagot ko?

~

That's Matthew on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now