○ Chapter Sixteen ○

5.9K 127 1
                                    

Okay, aalis muna tayo sa kwento ni Gab. BWAHAHA! ~Mademoiselle Maria 


Kevin's POV

Flashback


Naghahanda na ako para sa pageant. At nanggugulo dito sa backstage sina Gab at Alison. Ang ingay na naman ng dalawang 'to. Pero ayos lang din, dahil nandito 'siya' nawala yung kaba ko.

"Alison? Hellooooooo. Earth calling Alison! Uy!" si Gab.

"H-HA? May sinabi ka?" tanong ni Alison na parang nabigla.

"Wala! Bakit nga ba parang wala ka sa sarili mo?"

"A-ah! Wala naman. Bili lang muna ako ng drinks. May ipapabili ka?"

"Wala naman. Samahan na kita."

"Wag na. Ako na lang. Tulungan mo si Kevs mag-ayos. Saglit lang ako."

Umalis na si Alison.

"Siya nga pala Kevs," seryosong nagsalita si Gab. "Naalala mo nung dapat manunood kayo ng sine ni Alison?"

"Oo, bakit?"

"Bakit hindi ka pumunta? Nasabi sakin ni Alison na may sakit daw yung lola mo nun. Pero alam ko, alam kong hindi naman totoo yun. Bakit?"

"Okay lang naman. Di rin naman talaga siya makakapunta kasi masakit ulo niya nun diba?"

"Kevs naman eh. Para hindi ka magalala kaya yun ang sinabi sa'yo ni Alison. 10 o'clock ang calltime nyo nun diba? 2 hours siyang nag-antay dun sa'yo."

"Ano? Eh bakit hindi niya sakin sinabi?"

"Ay, malamang. PARA KA HINDI KA MAG-ALALA!"

"Anong gagawin ko?"

"Kevs naman oh. Para na akong naging consultant mo ah. Anyway, mag-sorry ka. Ang simple lang eh. Or baka hindi mo kaya?"

"HA?" bigla akong napaisip. Parang may ibang ibig sabihin si Gab sa sinabi niya.

"Kevs, wala kang maitatago sakin. Alam kong noon pa na may gusto ka kay Alison. Ayaw mo lang ipahalata kasi natatakot kang mawala yung maganda niyong samahan. Yung pagkakaibigan ninyong dalawa. Naku Kevs, ang tagal niyo nang naglalaro ni Alison. Ayaw mo bang iwagayway na lang ang puting bandera?"

"Naglalaro?" hindi ko ata gaanong naintindihan ang sinabi ni Gab. Pero saglit, nahalata niyang may gusto ako kay Alison? Paano?

"Oo, naglalaro. Matagal na kayong naglalaro ng tagu-taguan, tagu-taguan ng nararamdaman. Kaso, kumpara sa normal na tagu-taguan, yung inyo, walang taya, para hanapin yung isa. Na-gets mo ba? Ang ginagawa niyo kasi, parehas kayong nagtatago. Anong mangyayari sa inyo? Habang buhay kayong magtataguan? At dahil ikaw ang lalaki, di ba mas magandang ikaw ang maging taya? Pero kung hindi mo kaya, Kevs, ang duwag mo!"

Tinamaan ako sa sinabi ni Gab. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Bigla na lang gumalaw ng kusa ang mga paa ko palabas at hinanap naman ng mga mata ko si Alison. Nung makita ko siya, halatang wala siya sa sarili niya. Hindi niya nga napansing katabi na niya ako. Kaya naisip kong bumili ng malamig na softdrinks sa vending machine at idinikit sa pisngi niya.

"Edi nawala yung kunot sa noo mo."

"Bat ka nandito? Malapit na magstart yung program ah!" sabi niya.


"Ayaw mo? Nilibre na nga kita eh. Wag na nga, akin na ulit yan!" kinuha ko ulit sa kanya yung softdrinks.

"Joke lang! Di naman 'to mabiro oh." ngumiti siya sakin.

"Eh bakit nga nakakunot yung noo mo kanina? May problema ka ba?"

"HA? Wala ah! Eh bakit ka ba nandito?"

Eto na. Sasabihin ko na. "Wala naman. Yayayain sana kitang partner ko para sa Miriam Ball mamaya. Kung wala pang ibang nagyayaya sa'yo." Hindi siya sumagot. Mukhang may partner na ata siya. Malas naman oh! "Uy! May partner ka na yata eh. Okay lang naman kung mero—"

"Okay lang!" sigaw niya.

"Mags-start na po ang program within 5 minutes. Contestants, be ready." tawag ng isang organizer ng event.

"Sige, maya na lang ulit. Wish me luck!" kumaway na ako sa kanya at tumakbo papuntang hall. Buti na lang tinawag na kami ng organizer. Naramdaman ko kasing mainit ang pisngi ko. Sobrang hindi cool yun diba? Ang magblush sa harap niya.

Kinagabihan, nakatanggap ako ng message galing kay Gab.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Gab

Nice! Alam ko yung sinabi mo kay Alison. Goodluck bukas! I'm cheering for you. ;)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

End of flashback.


Alison's POV

Excited na excited ako para sa Miriam Ball. Pagdating ko, nandun na nag-aantay sakin si Kevin. Ang gwapo niya pag naka-suit. Nilapitan niya ako. Kalma lang Alison. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Woooooh! Ang gwapo niya. UGGGGGHHHHHHHH! Wag kang ngingiti. Wag kang ngingi— >//////////<

"Hi Alison," sabi niya habang nakangiti. Sabi ko wag kang ngingiti eh. Ano ba yan!

"Ang gwapo mo ata ngayon? HAHAHA!" dinaan ko na lang sa biro yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Matagal na akong gwapo." sabi niya habang inoffer ang kamay niya. "Tara."

Pumasok na kami sa Hall. Hawak niya yung kamay ko. Kinikilig ako sobra. Wag sanang magpawis yung kamay ko. UGGGGGHHHHH!

Kumain muna kami tapos nung magbibigay ng intermission number, nagulat ako ng tawagin ang pangalan ni Kevin.

"Magi-intermission number ka?"

"Oo, bakit?"

"Ano namang gagawin mo?"

"Tingnan mo na lang." sabi niya at dumiretso na sa stage. May talent ba yun? Bukod sa magyabang, meron ba? Hehe. Ang sama ko. >____________________<

"Good evening everyone. This song is dedicated to that girl I've been in love with for a long time. Little Things by One Direction."

Hindi po ako fan ng One Direction pero sobrang nagandahan ako sa cover ni Sam Tsui ng kantang yan so I would like to share it with you. Click niyo na lang yung youtube link sa right side.  ~ Miss Rainfall

Waaaah! Hindi ko alam na marunong palang magpiano si Kevin. Wow! Pero sino kaya yung special girl? Si Gab? UGGGGGGGHHHHHHH!

Nung matapos siyang kumanta, bumaba na siya sa stage saka lumapit sakin.

"Nagulat ka noh? Marunong akong magpiano. Ang galing ko diba?"

"Oo na! Ikaw na magaling."

Tumugtog ang isang love song saka niya ako niyayang sumayaw. At habang sumasayaw, hindi ko inaasahang maririnig ko yung mga katagang yun galing sa kanya:

"Alison, did you know? Ikaw yung special girl ko. Yes, I've been in love with you for a long time."

~

I'm just borrowing the song on youtube.

By the way, that's Kevin on the multimedia.  ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now