Chapter 4

26.6K 415 20
                                    

Chapter 4

Maaga nang gumising si Joey kinabukasan. Mahirap na baka abutin pa sya ng traffic. Mas maaga syang makakaalis, mas madaming pasahero ang makukuha nya.

Agad syang nag-ayos ng sarili at hindi nagtagal, binabagtas na nya ang highway. Sumisipol pa sya habang nagmamaneho. Sinasabayan ang mellow music mula sa FM radio ng taxi. Suot nya pa rin ang karaniwang porma nya. Alas sinko pa lamang ng umaga kaya maluwag pa ang daan. Makalipas ang tatlong oras, limang pasahero na agad ang nakuha nya. Malapit lang naman kasi ang pupuntahan ng mga iyon at idagdag pa ang maluwag na traffic.

Pumarada ang dalaga sa may Buendia nang makita ang babaeng agad na pumara sa taxi. Patakbo itong lumapit nang makitang huminto sya.

"Saan tayo, ma'am?" tanong nya sa babae nung makasakay ito.

"Sa Louvre Building. Sa Global. Pakibilisan lang. Malapit na kasi ako ma-late e." pamilyar sa kanya ang lugar. Paano nya ba makakalimutan iyon? Noong isang araw lang ay may inihatid syang gwapong lalaki sa building.

"Areglado, boss!" agad na pinihit nya ang manibela pabalik at mabilis na pinasibad papunta sa Global City. Walang problema sa kanya kung pabilisan lang ang usapan. Magaling sya lumusot sa traffic. Never pa naman sya nahuli.

Wala pang trenta minutos nang marating nasabing building. Agad na nagbayad ang babae at mabilis na bumaba sa taxi. Halos mahulog pa nga ang mga dala nitong clearbook at folder dahil sa pagmamadali.

Napailing na lang si Joey. Sa Maynila talaga, habol palagi ang oras para sa mga nagtatrabaho. Every minute counts, 'ika nga. Dahil kung babagal bagal ka, maiiwan ka talaga.

Pinasibad nya ang sasakyan para maghanap ulit ng pasahero.

HALOS HUBARIN na lang ni Lisa ang suot na stilleto para lang makatakbo ng mabilis papunta sa elevator. Ang totoo nyan, late na talaga sya ng limang minuto. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan nya na pinapapasok nga pala sya ng boss nya ng maaga para daanan ang flash drive na may laman na business proposal. Yun ang gagamitin sa board meeting sa susunod na araw.

Hingal-baka sya nang makarating sa 25th floor ng building. Agad nyang inilapag ang mga dala sa mesa nya. Ni hindi na nya nagawang ayusin ang salansan ng mga iyon. Medyo inayos nya na lang ang sarili nya at saka kinuha ang isang folder bago pumasok sa opisina ng amo. Wish nya lang na wala pa ito sa loob.

She knocked three times saka nya binuksan ang pinto. Sumilip muna sya and she was totally hopeless ng makita ito sa loob.

"E-Excuse me, sir." As usual, nakayuko pa din ito at may binabasa na naman na kung ano.

"You just arrived?" he asked in a flat tone.

Lihim syang napangiwi. Alam nya na pagagalitan sya nito.

"Y-Yes, sir. I'm sorry. I was stuck in a traffic in Buendia." dahil doon ay napa-angat ng tingin sa kanya si Lance. Sa lahat ng ayaw nito ay ang pagdadahilan sa kanya ng empleyado ng salitang 'traffic'.

"Is that my fault? You should've prepared early dahil alam mong posible kang ma-ipit sa traffic." napayuko na lang ang kawawang secretary.

"Sorry, sir." hinging-paumanhin ni Lisa.

"Where's the flash drive?" tanong ni Lance.

"I-I'll just get it, sir." mabilis na lumabas si Lisa para kunin ang flash drive sa mesa nya.

Pero ganun na lamang ang panlalamig ng kamay nya nang hindi nya ito mahanap. Tiningnan nya ito sa ibabaw ng table, sa ilalim ng mga folders. She even checked it inside her bag but then, she still can't find it. Halos baliktarin na nya ang mesa at mga gamit sa paghahanap. Siguro sya na nakuha nya iyon at isinama sa mga dalang files. Kinakabahang bumalik ang babae sa loob ng opisina ng amo.

"Sir...", nakayuko nyang sabi.

"What took you so long?" tanong ni Lance. Hindi makatingin ng diretso dito si Lisa.

"I... I was looking for the flash drive but... I c-can't find it." napayuko ulit sya ng makita ang galit ng mata ng binata.

"What do you mean you can't find it? Diba, pinakuha ko sayo yun kanina? Where did you put it? The proposal was there, Lisa! For Pete's sake!" nagtaas na ng boses ang amo na lalo lamang ikinatakot ng sekretarya. "Inisip mo ba na malaking kawalan ang mangyayari dahil lang doon? Ha?!" Napatayo na ang binata sa galit at humarap sa glass mirror na nasa likuran. Tanaw doon ang buong view ng syudad.

"Sorry, sir. I'm really sorry. Promise. Hahanapin ko po yun. Hindi na po mauulit."

Galit na humarap ito sa kanya.

"Talagang hindi na. Because you know what? You are fired!"

Hindi na napigilan ni Lisa ang sarili. Kusa ng pumatak ang mga luha nya.

"S-sir. Wag naman po. Ako po ang inaasahan ng pamilya ko. Gagawin ko po ang lahat para mahanap yun bago ang deadline. Please po, Sir Lance." pero nanatiling matigas ang mukha ng lalaki. Ni hindi ito kakikitaan ng awa sa kaharap.

"You better get out of here and fast. Bago pa kita ipasundo sa mga guards."

Lisa was crying terribly. "Sir, please po. " akmang luluhod si Lisa pero mabilis syang pinigilan ni Lance.

"Don't you dare do that. We made it clear before, right? Just do what I say. Simple. I hate wasting time. Do you know what can happen because of your negligence? That flash drive contains our company's information and other company might use it against us. Now, go! Or I'll have the guards escort you."

Wala ng nagawa si Lisa kundi ang sumunod. Wala rin naman mangyayari kung magmamakaawa sya sa amo.

Ganyan kalupit si Lance Del Fierro. Walang masabi ang mga empleyado nya pagdating sa mga incentives at kung ano ano pang tulong na ibinibigay ng kompanya. Basta sundin lang ang mga rules ng amo. Once an employee goes against him, he'll never think twice. Sesante agad. Ganun lang kadali para sa binata ang magtapon ng tauhan.

Ang totoo nyan, marami ngsecretary ang dumaan sa binata. Lisa is 33rd on the list. Ilan langang umalis ng kusa dahil hindi matagalan ang ugali ng binatang amo. At ang ibanaman ay nagtiis makasama lang araw araw ang gwapong binata. Pero lahat sila,palpak magtrabaho kaya doon din bumagsak. As if Lance would give a damn. Paradito, hindi naman mahirap humanap ng kapalit. Louvre is one of the high-payingcompanies in the country and people would do anything just to get a job there.Kaya naman kahit alam ng mga tao na kung gaano kasama ang ugali ng boss nila,they still stick to the company.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt