Chapter 27

20.6K 377 20
                                    

Ano pa bang mas masaya maliban sa katotohanang nakauwi na sa bansa si Joey? Grabe! Super na-miss nya ang Pilipinas. Though hindi nya rin naman maitanggi na nagenjoy talaga sya sa trip nila ni Lance. Syempre, dahil kasama nya doon ang binata.

 

Ang dami nilang dala pag-uwi. Dalawang box na panay pasalubong lang naman plus their luggages. Hindi nya alam kung saan ng binata ibibigay ang mga binili. Maliban na lang kung may sinusuportahan pala syang charity.

 

The plane has landed in NAIA at exactly 2:00pm. Naglalakad na sila ngayon sa hallway ng airport palabas. Naghihintay na sa kanila ang driver nito at personal assistant. Hinatid na rin sya nito pauwi sa bahay nila sa kabila ng pagtanggi nya. Sobrang nahihiya na sya sa amo dahil sa dami ng pribelehiyong ibinigay nito sa kanya. Pero mas makulit pa sa wig ang binata. Kaya ngayon, nasa isang sasakyan na sila pauwi sa bahay...

 

 

"Pasok ka muna...", sabi ni Joey kay Lance ng tumigil sila sa harap ng bahay nila.

 

 

"That's my plan also...", nakangiting sabi nito. "Jeff, pakibaba yung isang box dyan sa compartment and kindly bring it inside...", nanlaki ang mata ni Joey. Para sa kanila pala yung isang box na pinamili nila sa New York?

 

 

"Hey, what's with the face?", natatawang tanong ni Lance sa kanya

 

 

"Eeeehhh... Para sa amin yung binili mo?", nagtatakang tanong ng dalaga.

 

 

"Yes..."

 

 

"Hala! Naku... Wag na. Nakakahiya na talaga sobra! Ibigay mo na lang sa iba yan. Sobra na yung binigay mo....", sabi ni Joey na mas ikinatawa naman ni Lance.

 

 

"No worries. Hindi naman para sayo ang mga yan e. Those are for your dad and kuya. Dahil hindi sila kasama sa bakasyon...", natameme naman sya...

 

 

"Pero kahit na... Ganun pa rin yun..."

 

 

"No more arguments, Joe... Let's go inside...", sabi ni Lance at nauna pang pumasok sa gate nila.

 

 

 

***

 

"Eto na yung juice, tay...", sabi ni Joey. Inilapag nya ang mga baso ng inumin sa center table.

 

"Ilagay mo lang dyan, anak...", hindi man lang lumingon sa kanya ang ama. Masyadong engrossed sa pagtingin ng mga pasalubong ni Lance...

 

"Tss... Naluma pala yung mga souvenirs na binili ko...", sabi nya habang nakatingin sa souvenir items na nasa gilid ng table. Ni hindi man lang yun pinansin ng kuya at tatay nya. She heard Lance chuckled..

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang