Chapter 7

9.6K 231 4
                                    

Chapter 7

Nasa daan na pauwi si Joey pero hindi pa rin mawala sa isip nya ang nangyaring paguusap kanina. The offer was very tempting at ang malaman na pag-aari pala ng pinakakilalang negosyante sa Pilipinas ang pinuntahan nya kanina ay karagdagang bonus na sa kanya. Lalo pa syang nalula ng kausapin sya ng kapatid ng CEO ng kumpany.

Automatic nagflashback sa isip ng dalaga ang lahat nang nangyari kanina.

Abala sa pagbabasa ng magazine si Joey habang naghihintay sa lobby ng 25th floor. Sa pagbubuklat nya, nakatawag sa pansin nya ang larawan ng isang gwapong mukha. Makakalagpas ba sa mga mata nya iyon? Mabilis yata ang radar ng dalaga sa mga gwapo. Pero hindi lang iyon dahil sa itsura. Pamilyar kasi sa kanya ang mukha nang nasa larawan. Paano nga ba nga nya makakalimutan? E iyon mismo ang lalaking sumakay sa taxi nya noong nakaraang araw lang at nagpagulo sa tahimik nyang isipan. Ang pinagkaiba lang, nakangiti ang binata sa larawan na malayong malayo sa mukhang nakita nya habang sakay ito sa taxi.

Binasa ng dalaga ang caption sa ibaba. Doon nya nalaman na Lawrence Del Fierro pala ang pangalan nito at ito ang tinaguriang "Most Sought-After Bachelor in his Generation". Paulit ulit na ninamnam ni Joey sa dila ang pangalan nito. Pagkatapos ay nagpatuloy sya sa pagbabasa.

Nasa gitnang bahagi na sya ng page nang matigilan.

Kumunot ang noo nya at muling binasa ang nakasaad doon. Agad na nanlaki ang mga mata nya nang magsink-in ang nabasa. He was the owner of Louvre International Group of Companies – ang mismong kumpanya kung nasaan sya ngayon. Napatampal sya sa noo. She should have known!

Nasa ganung pag-iisip sya ng magsalita ang receptionist sa front desk.

"Excuse me, ma'am. Pinapapunta po kayo ni Ms. Liz sa office nya. Diretso lang po kayo pagpasok tapos turn right sa makikita nyong hallway. Sa dulo po noon sa left side ang office nya."

Alanganin na tumayo si Joey. Magulo pa ang utak nya habang naglalakad para puntahan ang opisina na sinasabi ng receptionist. Hindi naman nahirapan ang dalaga na hanapin iyon.

Huminga muna sya ng malalim saka kumatok sa pintuan. Nang walang sumagot ay marahan nyang pinihit ang doorknob at maingat na sumilip. Mas lalo naman syang napanganga ng makita ang loob ng opisina. Ni minsan ay hindi nya naisip na makakarating sya sa ganito kagandang lugar. Parang 5-star hotel lang ito sa ganda at laki.

"Hi! Come in." sabi ng magandang babae nang makita sya sa pintuan.

Nahihiyang pumasok si Joey sa loob. Mas nanliit kasi sya ng makita ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito mukhang opisina. Mas mukha pa itong royal suite sa isang hotel. Hindi na magtataka ang dalaga kung malaman nyang may bedroom at shower room doon.

"Take your seat. Would you like some refreshments?"

Mabilis naman na umiling si Joey at tipid na ngumiti. Nakadalawang tasa na sya ng kape kanina habang naghihintay.

Ngumiti lang ang babae at mataman syang tinitigan. Sobrang ganda nito at magaan ang bukas ng mukha. Palibhasa palaging nakangiti.

"Sorry if I wasn't able to introduce myself earlier. I'm Liz. I am the sister of the CEO. I'm working here as the Vice-President." Napatango si Joey. Nakita nya din sa labas ng pintuan ang name tag nito kasama ang position. "How about you? What's your name?"

Tumikhim muna si Joey bago nagsalita. "I'm Julianna Flaviejo. But I prefer to be called as 'Joey'."

"Nice name." nakangiting sabi nito. "So how did you get the flash drive again?" tanong nito sa kanya

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora