Chapter 12

23.6K 406 18
                                    

Chapter 12


Kanina pa pinipisil ni Joey ang squeeze ball na hawak nya. Grabe. May kalyo na yata lahat ang daliri nya sa kamay. Ikaw ba naman kasi ang magtype ng halos isang notebook sa kapal. Mabuti na lang nandyan si Georgie para tulungan sya. At syempre, hindi alam ng boss na tinulungan sya nito. Pareho silang malilintikan kapag nagkataon.

Thirty minutes na lang at uuwi na rin naman sya. Pagkatapos nyang isend sa boss ang lahat ng naencode, hindi na ito nagsabi pa ng kung ano. Kahit simpleng 'thank you', wala.

Hmp! Kung hindi ka lang talaga gwapo, nungkang magpakahirap ako ng ganito!

Dumating na ang oras ng uwian. Inayos na ng dalaga ang gamit nya at pumunta na sa opisina ng boss para magpaalam. Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya. Tumango lang ito na nagsasabing pwede na syang umalis. Haaaaay... Buhay nga naman ng supladong gwapo!

Weekend na bukas. She survived her first week. At dahil wala naman syang gagawin, sya na muna ulit ang magmamaneho ng taxi. Namiss nya na rin magpaikot-ikot sa Maynila. Yung tipong joyride lang. Mukhang miss na rin naman ng taxi nila na lumabas sa highway.

MARAHAS NA NAPALINGON ang binata sa may likuran nya. His instinct was right. Her sister, Liz, was standing there. Naroon sya sa veranda ng bahay nila sa Forbes Park at umiinom ng brandy. Nakaharap ito sa malawak na hardin at tanaw ang maaliwalas na langit na puno ng bituin. Naramdaman nyang naglakad palapit sa kanya ang kapatid. Umupo ito sa upuan na nasa kabila ng center table. Nagsalin ang dalaga ng brandy sa isa pang baso at nagdekwatro saka sinimsim ang alak.

"What are you doing here?" tanong nya kay Liz.

Sinulyapan lang sya ng kapatid at ibinalik din ang tingin sa hardin.

"Well, bahay ko rin naman 'to. And besides, namimiss ko na tumira sa malawak na bahay. Nakakasawa din pala kapag sa condo ka nakatira."

He looked at her. Hindi sya naniniwala dito. Ngayon lang kasi ulit ito bumalik sa bahay nila matapos ang maraming taon.

"Shut up. I know you're cooking something." sabi ng binata na tinawanan lang ni Liz.

"Cooking? Ni hind inga ako marunong magluto." Pakli ni Liz. But he's sure alam nito ang ibig nyang sabihin. "Namimiss ko lang naman tumira dito kasama ka, masama ba yun? Diba, we used to live here together before? Don't you miss those times?" nang-aasar na tanong ni Liz.

"Drama queen." uminom ng brandy si Lance. Inisang lagok nya lang ang laman ng baso at nagsalin ulit.

"So, tell me. Bakit ka naglalasing?" tanong ni Liz.

"I'm not. I'm just taking the stress away. Masyadong stressful ang trabaho sa office."

Tiningnan lang sya ng kapatid ng nakakaloko.

"As if naman. If I know, babae na naman ang iniisip mo." She sipped on her glass. "By the way, how do you find Joey? Magaling sya no? Not an ordinary secretary you had before."

Kunot noong nilingon nya ang kapatid. Why is she suddenly asking about his secretary? Pero sinagot nya pa rin ito.

"She's weird."

"Yeah, a bit. Pero mas weird ka. Imagine, ipinapagawa mo ang mga bagay na almost not doable. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw, bigla na lang sya magsumbong sa DOLE dahil sa way ng pagbibigay mo ng trabaho sa kanya." Liz shook her head in dissapointment.

"First of, hindi ko iuutos yun if I know it's not doable. Besides, I'm testing her. Mabuti nang malaman ng ganito kaaga kung competent sya. That way, I can find a replacement immediately. She can't just sit in my office while earning that much. Masyadong malaki ang inoffer mo sa kanya." Tiningnan ni Lance ang kapatid ng masama. Huli na ng mareview nya ang kontrata ni Joey.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now