Chapter 17

23K 425 21
                                    

Chapter 17


Tiningnan ni Joey ang reaction ng boss nya ng makarating sila sa itinuro nyang lugar. Nakakunot ang noo nito at halata ang pagtataka sa mukha. Pero hindi naman nagtanong.

"O, anong say nyo, sir? Ayos ba?" nakangiting tanong nya dito. Kung sya kasi ang tatanungin, tuwang tuwa sya.

"Where are we?"

Napataas ang kilay ng dalaga.

"Seryoso, sir? Hindi nyo alam kung nasaan tayo?" gusto nyang matawa. Seryoso ba 'to o ginu-good time lang sya?

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" masungit na sagot nito.

"Sungit nyo na naman, boss. Nandito tayo sa Luneta. Kayo talaga. Naturingan kayong Pilipino, hindi nyo alam kung itsura ng National Park ng Pilipinas. E kung---" napatingin sya sa amo nya at kunot noo itong nakatitig sa kanya. Agad naman syang tumigil at ngumiti. "Sorry, sir. Tara na. Mainit dito sa pwesto natin."

Nauna na syang maglakad dito. Baka kasi mag-iba ang mood nito at iwan sya bigla. Naku! Hindi pwede yun. Kulang ang dala nyang pera para sa pamasahe.

"Where are we going?"

Halos mapatalon ang dalaga sa gulat ng biglang magsalita ang amo. Katabi nya na pala ito ay sumabay na sa kanya sa paglalakad.

"Ahm, maghahanap tayo ng tatambayan natin. Tara, sir. Doon tayo." bahagyang tumakbo pa ang dalaga ng makakita ng pwesto.

HINUBAD NI LANCE ang suot na coat at inilatag sa damuhan saka naupo na doon. Hindi pa rin gumagalaw si Joey.

"Hindi ka ba nangangawit dyan? Come on. Sit here." bahagya pang tinapik ni Lance ang bakanteng pwesto sa tabi.

"E, sir... Nakakahiya kasi. Sayang naman yung coat mo. Madudumihan yan."

Napatawa ang binata.

"It doesn't matter. Papalabhan ko naman sayo to."

Nanlaki ang mata ni Joey dahil doon.

"Naku, sir. Wag na lang."

"Just kidding. Umupo ka na. Nahihilo ako sayo. Ang tangkad mo." reklamo ng binata.

"Sure kayo, sir? E kaso magkakatabi tayo..."

"So? Come on..." hinawakan ni Lance sa kamay nito at bahagyang hinila kaya napaupo ang dalaga. Muntik pa nga itong napasubsob sa kanya. Dahil doon ay hindi nakaligtas ang mabangong amoy nito. Her scent is so natural. She smells like rose and strawberry. And her hair feels so silky. Kailangan nya pang pigilin ang sariling haplusin iyon. Who would have thought na sanay ito sa mabibigat na trabaho gaya nang pagmamaneho ng taxi.

"Ang bigat mo." Kunwa'y reklamo ng binata.

"Sorry, sir. Kayo kasi hinila nyo pa ako." she pouted, and she looks so cute whenever she does that. "Pero sure kayo, sir? Hindi pa kayo nakakarating dito?"

"Obvious ba?"

Sa halip na maapektuhan sa sinabi nya ay tumango lang ang dalaga.

" Sabagay... Sa mga sosyal na lugar nga lang pala kayo madalas pumunta. Pero wag po kayong mag-alala. I'll be your secretary slash instant tour guide for today." masiglang sabi ni Joey.

Mabuti na lang pala jeans at simpleng shirt lang ang isinuot ng dalaga sa kabila ng pagmamadali nyang makapag ayos kanina. Kumpara naman sa lalaking kasama nya ngayon. Naka-corporate attire pa. 3-piece suit. Minus necktie. Pero sooo gwapo pa rin.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now