Chapter 18

22.8K 394 21
                                    

Kanina pa nakangiti si Lance at nakatitig sa cellphone nya habang hawak ng isang kamay ang baso ng brandy. Para syang na-engkanto dahil sa tuwang nararamdaman nya.

 

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

 

Hindi nya maintindihan ang sarili. Dapat nga mainis sya dahil hindi nya naisako ang isang investment proposal kahapon.

  

Pero sa halip na magalit, nagagawa nya pang ngumiti ngayon. And it's weird. 

 

"Hmm.. Ang ganda ni Joey dyan a....", automatic na naitago nya ang hawak na cellphone sa tagiliran at nilingon si Liz na ngayon ay nang-aasar na nakangiti sa kanya. 

 

"Kanina ka pa dyan?", tanong ng binata. Bakit hindi man lang nya naramdamang lumapit ito?

 

"Uh-ha! And I was able to watch your moves intently. What's with that smile anyway? Saka bakit may picture si Joey dyan sa phone mo?", sunod sunod na tanong ng dalaga. Humila ito ng isang upuan at umupo doon. "If I know, hindi mo ugali ang mag-store ng picture ng babae sa cellphone mo. Kahit nga ako walang picture dyan e.", mukhang hindi na naman sya titigilan ng kapatid.

 

"Kelan ka pa nakabalik from HongKong?", pagkuwa'y tanong ng binata.

  

"Tsk. Tsk. Tsk. Nice trick to change the topic, Lawrence! That's not really you. Come on.. Tell me something I need to know.", makulit pa sa wig ang kapatid nya. Kahit kailan talaga!

   

"There's nothing you need to know, Liz... You better rest now..", But he doubt kung makikinig ito.

 

 

"No way! Hindi pa tayo tapos mag-usap no? Saka ano yung nabalitaan kong nag-skydive si Joey para lang makapag set ng appointment with Mr. Gallego?", napakunot ang noo mi Lance. Pati ba naman yun, hindi makakaligtas sa kapatid? 

 

 

"I didnt ask her to do that... It's her choice!"

  

 

"But isnt she interesting huh? I told you, magugustuhan mo rin sya someday. Pero mukhang napaaga naman yata ang 'someday' na yun...", maya-maya ay tumayo na ito. "Anyway, I have to go. Jetlag's killing me. Bukas na lang tayo ulit mag-usap.", pero bago pa ito makalayo ay nasagsalita ulit ang kapatid. "Nice stolen shot, anyway! Dream of Joey tonight!"

 

 

It took him a minute before he realized what Liz said... Maya-maya ay napangiti na naman sya at tiningnan ulit ang picture ni Joey sa cellphone. 

 

Tama ang sinabi ng kapatid. Hindi nya ugaling maglagay ng picture ng babae sa cellphone nya. Pero masyado syang natuwa kay Joey kanina. So he took a picture of her while she's busy watching the kids playing in the lawn. Nakisama naman ang camera sa cellphone nya at hindi blurred ang naging outcome ng photo.

  

Joey, Joey, Joey... Why do you have this kind of effect on me?

  

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now