Chapter 25

22.1K 368 15
                                    


"Sandali lang!!! Nagmamadali po ba tayo?", sigaw ni Joey! Nagtatakbo na sya para maabutan si Lance. Ang bilis kasi ng lakad nito at naiwan na sya.

 

"Medyo...", then he smiled sheepilishly..

 

Psh! Magpa-cute ka pa!

 

"Hinay hinay lang po ang lakad, sir... Grabe!!! Papayat ako lalo sa inyo nito e,...", hingal na sabi nya... Napangiti lang si Lance at diretso na naglakad... Nasa magkabilang bulsa ang kamay nito.

 

 

"Teka lang po. E saan ba tayo pupunta?", tanong nya...

 

 

"Magsa-shopping... Let's go...", he grabbed her wrist and pulled her thru the pedestrian. Kailangan hilahin talaga?

 

 

Hindi na sila sumakay sa sasakyan. Walking distance lang kasi ang mga tindahan doon. Besides, the hotel's location is in the middle of New York's downtown. Accesible sa lahat ng area sa lugar na yun. No need to ride in a car or something. At isa pa, masarap maglakad sa lugar na yun dahil sa cozy feeling ng paligid. At puno ng yelo. Grabe!!! Tatlong patong na yata ang damit nya sa ilalim ng makapal na jacket pero ramdam pa rin nya ang lamig.

 

 

Sumunod lang sya sa amo sa paglalakad. Seryoso ito sa paglalakad habang sya naman, walang tigil sa pag-click ng camera. Lahat ng makita nyang maganda sa paningin, kinukuhanan nya ng picture....

 

 

Pumasok sila sa loob ng isang boutique. Grabe ang gaganda ng mga damit. At talagang amoy mamahalin. Hmmmn... Saan kaya yung sinasabi nila dito na Filipino Town? Yung may mga tindang gamit ng Pinoy? Yung parang Divisoria lang?

 

 

Hindi kasi kakayanin ng budget nya kung bibili sya sa mga ganung tindahan. Tinitingnan nya lang si Lance habang pumipili ng damit... Hindi pa sya nakakakita ng lalaking nagsshopping. At natutuwa sya na si Lance ang lalaking una nyang nakita na gumagawa nun. He knows what's good for him. Dampot lang ito ng damot ng damit at iaabot sa kanya.

 

 

Lumabas sila sa boutique na yun ng may bitbit na apat na paperbags. Next stop... Tindahan naman ng sapatos. ARMANI?! Seryoso? Whooooo!!! Nakakalula sa mahal ang presyo... Nakita nyang kumuha si Lance ng pares ng pumps shoes. Napataas ang kilay nya. Para sa gf?

 

 

"Maganda ba ito?", tanong nito sa kanya habang ipinapakita ang sapatos na hawak.

 

 

"Yes, sir!", maganda naman talaga. 4 inches pumps shoes..

 

 

"Good. I'll take it..", sabi nito sa saleslady saka iniabot ang credit card.

 

 

Then went out on that store with 2 paper bags full of boxes of shoes. Hindi naman siguro sya balak pahirapan ni Lance no? Mabuti na lang, naisipan nito pumara ng taxi at nagpahatid sa isang lugar na puro souvenirs shop ang nakatayong establishments. Nanlaki ang mata ni Joey. Ito yung iniisip nya kanina...

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now