Chapter 31

22.7K 332 19
                                    

Tahimik na pinagmasdan ni Lance ang paligid ng musuleo ng mga magulang. Ilang taon din ang ginugol niya bago sya muling dumalaw dito. Ni hindi na nga nya matandaan ang huling beses na pagpunta nila dito ng kakambal na si Liz. Sa mga nakalipas na taon, ang kapatid lamang nya ang madalas na dumadalaw dito. At humahanga sya sa magaling na pagmintina ng libingan ng magulang. Malinis at puno pa rin ng makukulay na bulaklak.

He was thirteen when their parents died. Papunta sila dapat sa isang out-of-town vacation. Masayang nagtatawanan ang buong mag-anak habang nasa byahe. Daddy nya ang nagmamaneho ng sasakyan katabi si Lance sa front seat. Samantalang ang mommy nya naman at ang kapatid ay sa backseat nakaupo. Naalala pa ng binata kung paano nagsimula ang lahat. He was a naughty kid ever since. Lahat ng bagay curious sya kaya naman hindi lilipas ang ilang minuto nang hindi nya hahawakan ang mga bagay na makikita niya.

During their trip, may nakita si Lance na maliit n airplane sa dashboard ng kotse. Noon lamang nya nakita ang bagay na yun at natawag ang pansin nya. So he grabbed it from the dashboard though pinipigilan sya ng daddy nya.

"Hands off, boy. Hindi sa akin yan." Sabi pa ng daddy nya. Pero hindi sya nakinig at kinuha nya pa rin ang mini airplane.

"Lance, hindi ka ba makikinig sakin?" Muling sabi ng tatay nya. Lumingon ito sandali sa kanya at muli rin ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Lance, arent you even going to listen to dad? Just drop it, ok?" Muli sa backseat ay nagsalita ang prim and proper na si Liz.

"Shut up, goody-two shoes!" Nang-aasar na akmang puputulin nya ang mini airplane pero sa kasamaang palad, natuluyan itong naputol.

"I told you! Look what you've done!" Dahil alam nyang mas naiinis si Liz sa kanya kapag binabalewala nya ang sinasabi nito.

At para mas lalo pang mang-asar, ibinato nya sa unahan ang naputol na airplane. Pero nagbounce ito sa dashboard at tumama sa mukha ng daddy nya.

"Dad!" Sigaw ni Liz.

Hindi dahil sa tinamaan ito ng laruan, kundi dahil habang nakapikit ito sa sakit ay nawalan ng direksyon ang sasakyan at tinutumbok ang bus nakasalubong nila. Huli na para maikabig ng daddy nila ang sasakyan paiwas sa kasalubong.

Animo'y unti-unting bumagal ang lahat ng pangyayari. Tanging ang sigawan ng mga taong sangkot sa aksidente at abg tunog ng mga nagbanggaang sasakyan ang maririnig sa paligid. Niyakap ng mommy nila si Liz at gayundin ang ginawa ng daddy nila kay Lance habang patuloy sa paggulong ang sasakyan pababa sa bangin.

Sa kasamaang palad, namatay ang parents nila at himalang nabuhay ang kambal. Lalo na si Lance dahil nasa front seat ito. Pero mula noon, hindi na nagawang dumalaw ni Lance sa libingan ng magulang. Sa katunayan, noong mismong libing ng parents nila, pinilit pa syang isama ng mga tiyahin para lang makasama ang magulang sa huling araw ng mga ito.

Sinisi ng binata ang sarili nya sa mga nangyari. At hindi nya magawang tanggapin sa sarili na nawala ang mga ito ng dahil sa kanya. Tanging si Liz ang matatag na gumagabay sa kanya na dapat ay sya ang gumagawa. That was the reason why he's afraid of driving fast. Nagkaroon na sya ng phobia mula noong mangyari ang aksidente.

Muli nyang tiningnan ang dalawang libingan sa harap nya. He gently touched those like as if they were alive.

"Mom, Dad... Kumusta na po kayo? It's been years since I came here. And I should thank my sister for taking care of you." Napayuko sya habang nagsasalita. "Dad, sorry for what I've done. Dapat nakinig na lang ako sayo. Buo pa sana ang pamilya natin hanggang ngayon. And you dont know how much I missed you. Mom, you know what, akala ko wala nang babae na gaya mo. But then, I realized I was wrong. Dahil natagpuan ko na sya. She's here, mom, dad..." Lumingon ito sa linkuran nya kung saan nakatayo si Joey at pinapanood lang sya. "Come here.." Sabi nya sa dalaga.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now