Chapter 13

24.4K 398 17
                                    

Chapter 13


"Naks! Ang ganda natin ah." bungad ni Georgie sa kanya.

Pilit na napangiti si Joey at pasimpleng hinila pababa ang laylayan ng suot na palda. It was a black pencil cut. Three inches above the knee ang haba noon.

"Ok lang ba? Hindi ba malaswang tingnan?" alanganing tanong ng dalaga kay Georgie. Kanina pa sya hindi mapakali lalo na noong sumakay sya sa jeep papasok. Mabut hindi sya nakita ng kuya nya kundi uulanin sya nito ng pang-aasar.

"Naku, hindi a. Binigyan mo lang naman ng justice ang mga babaeng may magagandang legs tulad mo. Grabe! Nanibago ako sa aura mo." patuloy na papuri ni Georgie.

"Hindi ko naman talaga gustong magsuot nito. Si Sir Lance kasi, sabi nya ganito daw suotin ko. Mas matanda daw kasi akong tingnan sa mga senior employees dito dahil dun sa slacks ko." natawa naman ang kaibigan sa sinabi nya.

"Medyo totoo naman yung sinabi nya." dahil dun ay nahampas ito ni Joey sa balikat. Mahina lang naman. Yung tipong 'hampas-kaibigan'.

"Ewan ko sayo. O sya, mauna na muna ako. Kailangan ko pang ayusin yung mga kailangan ni boss." matapos magpaalam ay naglakad na sya papunta sa opisina ng amo.

Muli nyang hinila ang laylayan ng palda. Hindi kasi talaga sya sanay magsuot ng ganun kaiksi kapag nasa labas ng bahay. Short shorts lang ang pinaka-maiksi nyang naisuot at sa loob ng bahay lang nya ginagamit iyon. Binili nya pa ang paldang iyon sa tiangge. Mahaba iyon noong nakadisplay pero dahil sa mahahabang legs ng dalaga, umiksi tingnan ang palda. High-waist iyon at tinernuhan nya ng light gray na button shirts, nakatuck-in. Ang buhok nya ay maayos na nakaponytail.

Idagdag pa ang pumps shoes na suot nya. Halos hindi sya makapaglakad ng maayos dahil doon. Pero syempre wais sya. Nagdala sya ng doll shoes. In case lang naman na patakbuhin na naman sya ng amo nya sa kung saan para maghatid ng kung ano anong dokumento. At least ngayon, prepared na sya at hindi na nya kailangang mamroblema sa mauupod nyang takong.

Kakatapos nya lang mag-ayos ng folders sa table ng boss nya ng pumasok ito. As usual, so gwapo pa rin. At naka 3-piece suit na naman. Naimagine nya tuloy ang itsura nito noong Sabado. Parang ibang tao ang lalaki dahil sa casual na pananamit noon. Parang mas mabait tingnan.

"Good morning, sir." bati nya dito.

Hindi ito sumagot. Ano pa ba ang bago? Mula naman ng magtrabaho sya dito, hindi pa ito sumasagot sa mga greetings nya.

Pero kakaiba ang naging response nito sa kanya ngayon. Hindi nga sya binati pero tiningnan naman sya mula ulo hanggang paa. Parang ora mismo ay gusto nyang takpan ang nakahantad nyang binti gamit ang hawak na folders. Feeling nya ay para syang kandilang natutunaw sa titig nito.

Sir, pag hindi ka pa tumigil sa kakatitig, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo.

Maya-maya naman ay mukhang natauhan na ang amo at naglakad na papunta sa table nito. Nakita nyang medyo niluwagan pa nito ang suot na necktie na parang nasasakal.

"I'll just get you a cup of coffee, sir." sabi ni Joey at lumabas na muna ng opisina para ipagtimpla ito ng kape.

Pagbalik nya ay hindi na nagulat ang amo ng makita na naman ang tray ng breakfast na dala nya. Siguro nasanay na rin ito sa ginagawa nyang iyon. Pero ang hindi nito alam, charged sa company expense ang lahat ng pagkain na ibinibigay nya dito. Sabi naman kasi ni Georgie, pwede naman silang umorder ng pagkain sa kahit na anong restaurant sa building na yun. For free. Dahil company ang magbabayad nun.

"Mag-breakfast po muna kayo, sir. Just call me if you need anything."

"Wait." dahan dahang napalingon si Joey dito.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now