Chapter 16

23.6K 393 16
                                    

Chapter 16


Alas nueve na ng umaga nang magising kinabukasan si Joey. Ang bilis ng araw. Sabado na naman. Ibig sabihin, makakapagpahinga sya ng husto. Hindi pa rin kasi sya nakakabawi sa nangyari kahapon. Mula ngayon, isinusumpa nya na ang skydiving.

Bumangon na sya para mag-ayos ng sarili. Tahimik ang buong bahay. Saka nya lang naalala na mawawala nga pala ang tatay at kuya nya ng isang linggo. Umuwi ang mga ito sa Negros dahil sa birthday ng isang tiyuhin nya na matagal nang hindi nakita ng kanyang ama.

Napaisip si Joey. Ano kayang pwedeng gawin?

Since Sabado naman, maglilinis na lang sya ng bahay. Tama! Matagal na rin nyang hindi nahahawakan ang tambo at dustpan. Palaging ang kuya at tatay nya ang naglilinis. This time, sya naman ang babawi.

Kumain muna sya ng almusal bago sumabak sa matinding linisan. Maliit lang ang bahay nila, sakto lang sa kanilang tatlo. Pero medyo malawak ang bakuran nila sa likuran kung saan nagtatanim ang tatay nya ng kung ano anong gulay. May garahe din sa gilid para sa taxi. Lupa iyon na namana ng kanyang ama mula sa lolo nya.

Matapos mag-almusal at mahugasan ang mga plato, nagbihis na ang dalaga sa mas komportableng damit. Kupas na maong shorts ang napili nya at tinernuhan nya ng maluwag na t-shirt na tinanggalan ng manggas. Mas gusto nya iyon dahil makakakilos sya ng maayos. Itinali nya ng mataas ang buhok nya para hindi nagsasalimbayan sa mukha kapag nagsimula na sya.

Hindi rin naman masayang maglinis kapag walang music. Kaya naman naghanap sya sa CD rack ng pwedeng patugtugin.

Ano kayang pwede?

Inisa isa ng dalaga ang mga CD at napangiti ng makita ang isa. Kinuha nya ang cd ng Spice Girls - isa sa pinakapaborito nyang girl group. Isinalang nya sa dvd at maya-maya lang ay nagsimula na ang masiglang tugtog ng Wannabe. Itinodo nya pa ang volume at nagsimula ng maglinis.

Enjoy na enjoy si Joey sa ginagawa at sumasabay pa sya sa pagkanta gamit ang tambo na ginawang mic.

Yo, I'll tell you what I want, what I really really want,

So, tell me what you want, what you really really want,

Hindi pa sya nakuntento at sumabay na rin ang pagsayaw nya sa kanta. Ipinikit nya pa ang mata at nag-imagine na isa sya sa member ng Spice Girls.

I'll tell you what I want, what I really really want,

So, tell me what you want, what you really really want,

I wanna, I wanna, I wanna, I wanna------

Biglang natigilan si Joey dahil sa malakas na kalabog. Napadilat sya ng mata at ganun na lamang ang hiya nya ng makita kung sino ang nasa pintuan ang bahay nila.

Hindi malaman ng dalaga kung ano ang uunahin, kung papatayin ba ang tugtog o tatakbo para magtago.

KANINA PA TINATAWAGAN ni Lance si Joey pero hindi ito sumasagot. Noong una, patuloy lang sa pagring ang cellphone nito. Hanggang sa naging unattended na. Nalowbat na siguro.

Kagabi bago ito umuwi, bumili sya ng cellphone para sa dalaga. Reward na rin nya ito para sa ginawang paraan sa appointment. Hindi biro ang pinagdaanan ng sekretarya. She goes beyond his expectations. Hindi mabilang ni Lance kung ilang beses ito nagpasalamat ng ibigay nya ang bagong cellphone. Noong una, ayaw pa sanang tanggapin, lalo na at nakita nito ang logo ng may kagat na mansanas. Pero tinakot nya na tatanggalin ito sa trabaho kaya napilitang kunin.

Hanggang sa ngayong umaga, hindi nya alam kung ano ang nagtulak sa kanyang tawagan si Joey. Pero hindi na naman ma-contact ang cellphone nito. Bigla syang nag-alala para sa dalaga kaya inalam nya kung saan ito nakatira. Hindi nya maintindihan kung bakit hindi nya ito matiis na hindi makita. Samantalang dati naman, inis na inis sya dito. May inilagay yata ang dalaga sa pagkaing ibinibigay nito sa kanya kada umaga.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now