Chapter 22

23.6K 415 21
                                    

"Hello, New York!!!!!!!!!", masayang sabi ng dalaga habang nakataas ang dalawang kamay.. Dahilan para bumagsak ang maletang hawak nya.. Mabuti na lang mabilis itong nasalo ng binata. "Hehehe.. Sorry po, sir...", natawa na lang si Lance sa kanya.

 

 

"Masyado kang excited.. Let's go.. Nandyan na sa labas ang sundo natin..", inalalayan sya nito palabas ng airport.

 

 

Grabe! Ganito pala ang hitsura ng New York! Ang lamig! GRRRRRRRR!!!!

 

 

Maganda ang John F. Kennedy Airport.. Ibang iba ang aura.. Feeling mo talaga nasa ibang bansa ka. Masyado tuloy syang na-excite sa paggagala dito... Sana lang may time pa para makagala sya. Pero agad syang may naalalang gawin.

 

 

"Sir!", tawag nya sa binata.. Agad naman lumingon si Lance sa kanya.

 

 

"Yes, Joey? May problema ba?", nagtatakang tanong nito.. Mabilis na umiling ang dalaga sabay ngiti ng matamis...

 

 

"Pwede po pa-picture?", sabay abot ng camera dito.. Sa halip na mainis, napailing na lang ang binata saka kinuha nito ang camera sa kanya...

 

 

"Alright.. Give your best shot!", sabi nito.. Agad naman nag-wacky pose si Joey. Pagkatapos ay ibinalik na sa kanya ni Lance ang camera.

 

 

"Thank you, sir!", mamaya na lang nya iyon titingnan.

 

 

Naglakad na sila hanggang sa may entrance ng airport kung saan naghihintay isang eleganteng maroon na Mercedes Benz. Nasa labas na noon ang driver at isang lalaking naka-3 piece suit na naghihintay sa kanila. Nilapitan ito ni Lance at kinamayan ang huli.

 

 

"How was your trip, Mr. Del Fiero?", tanong ng lalaki... American ang nationality nito. Base na rin sa pisikal na anyo.

 

 

"Good... Anyway, this is Joey, my assistant. Joey, this is Mr. Johnson.. He's the manager of the hotel we'll be staying while we're here in New York..", lumapit si Joey at nakipagkamay sa lalaki.

 

 

"Nice meeting you, Mr. Johnson..", nakangiting sabi ni Joey.

 

 

"Same here...", sagot nito.

 

 

"So, we better get going.. Let's go!", sabi ni Lance..

 

 

Ipinagbukas sila ng driver ng pinto ng kotse. Nauna ng pumasok si Joey. Maya-maya ay nasa daan na sila papunta sa hotel. Enjoy na enjoy si Joey sa pagsasight seeing sa paligid. Yun nga lang, hindi masyadong makita ang ibang establishments dahil sa makapal na yelo...

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now