Chapter 30

20.4K 387 28
                                    

Kung ilang beses na nyang nahampas ang manibela ay hindi na alam ni Lance. Basta ang gusto nya, mawala ang inis na nararamdaman nya sa ngayon.

 

Sino ba naman ang hindi maiinis?

 

He just saw Joey with another guy kanina sa restaurant. He's with Liz and currently having their lunch ng may mapansin ang kapatid.

 

"Hey, wait... It's Joey, right?", napakunot ang noo ng binata at lumingon sa itinuro ni Liz. "It's her nga! Pero who's that guy with her? Do you know him?", sa oras na yun, hindi nya maintindihan ang sarili. Nandun na yung gusto nyang sugurin ang dalawa sa kabilang table at hilahin palabas si Joey. Pero sa huli, nanaig pa rin naman ang matinong isip nya.

 

"I don't know him...", pasimpleng sagot ng binata saka ibinalik na ang atensyon sa pagkain.

 

Pagtapos nun ay nauna na syang umalis sa lugar na yun. Bago lumabas ay tiningnan nya ulit ang dalawa na masayang nagkukwentuhan. Lalo tuloy uminit ang ulo nya.

 

Kaya ngayon, nandito sya sa sasakyan at kulang na lang ay magbato sya ng gamit sa sobrang inis.

 

"That girl! Ano bang problema nya? Sino ba ang lalaking yun?", but on the other hand, hindi naman nya masisisi ang dalaga. 

 

He grabbed his phone from the dashboard and dialed Joey's number. Pero panay ring lang. Hindi nya sinasagot.

 

"Damn!!!", inis na hinagis nya sa loob ng kotse ang cellphone at pinatakbo na ang sasakyan.

 

You'll pay for this Joey.

 

 

*****

 

Hapon na nakaalis si Joey at Will sa restaurant na yun. Ang dami nilang napag-usapan. At tulad ng dati, enjoy pa rin sya kausap ang binata. Umuwi pala ito sa Pilipinas dahil sa isang negosyo nila sa bansa. Sya muna ang mamamahala dahil marami na rin inaasikaso ang tatay nya. Haay!! Iba na talaga ang mayayaman.

 

Inihatid nya ito sa subdivision na tinitirhan saka sya bumalik sa pagmamaneho. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras at noon nya lang napansin na tumawag pala si Lance sa kanya.

 

 

"20 missed calls??!! Ang OA naman nun! Ano kayang nangyari?", agad naman syang nag-aalala sa binata. Baka naman sumugod na yung obssessed ex-fiancee nya. Hala!

 

Nag-redial sya para kausapin ang boss. Pero katulad ng nangyari sa kanya, hindi rin sumasagot. Mas lalo syang nakaramdam ng pag-aalala dito.

 

She tried to call him again. And finally, sumagot din!

 

"Lance, bakit? May nangyari ba? Anong problema? Sorry, hindi ko nasagot yung tawag mo... Nasa---"

 

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now