Chapter 10

23.6K 376 2
                                    

Chapter 10

Akala ni Joey ay malapit lang ang pinapapuntahan ng boss sa kanya. Kaso, isa't kalahating oras na syang nakaupo sa taxi pero hindi pa rin sya nakakarating.

Saan bang banda ng Pilipinas ang ViewFort Hotel na iyon?

Tinutubuan na yata sya ng ugat sa pagkakaupo nya. And worst, naipit pa ang dalaga sa matinding traffic sa EDSA. Hindi siguro alam ng driver ang shortcut para makaiwas sa traffic. Kung sya siguro ang nagmamaneho, kanina pa silang nakaalis sa lugar na iyon.

Tiningnan nya ang oras sa wristwatch nya. 2:30pm. Kaunting oras na lang ang natitira. Hindi na sya nakatiis at tinanong na nya ang driver.

"Kuya, malayo pa ba yun?" tanong nya dito.

"Medyo po, ma'am. Kapag nakaalis po tayo sa traffic na 'to, mga halos isang oras pa ang tatakbuhin ng taxi." napasandal na lang si Joey sa upuan. Kailangan na nyang makarating doon ngayon.

"Saan po ba banda ang daan nun, kuya?" muling tanong nya sa driver.

"Papuntang west po, ma'am."

May biglang umilaw na lightbulb sa utak nya.

"O sige, kuya. Kailangan mapausad natin yung taxi mamaya hanggang doon sa may intersection. Tapos liko tayo sa kanan. May daan po doon sa kaliwang parte papaunta sa west area. Walang traffic. Pasensya na po ah. Nagmamadali kasi talaga ako." tiningnan lang sya ng driver mula sa rearview mirror pero tumango na din.

"Sige, ma'am."

Mga 5 minutes pa yata ang nakalipas bago unti unting umusad ang mga sasakyan. Sa wakas, narating nila ang intersection at sinunod naman ng driver ang sinabi ni Joey.

In 30 minutes, she reached the place. Agad na inabot ng dalaga ang bayad sa driver at nagmamadali ng lumabas ng taxi. Bumulaga sa kanya ang isang napakagandang hotel. Pakiramdam nya ay nasa hotel sya sa Paris.

Pero sa halip na i-admire ang hotel, nagmadali na syang naglakad papasok doon. Mas nakakalula ang ganda nito sa loob. Pati ang mga taong naroon halatang hindi basta basta.

Nagtanong sya sa guard kung nasaan ang Abrianna's Wardrobe. Itinuro naman nito sa kanya ang daan. Good thing, nasa ground floor lahat ng pamilihan doon. Parang mini mall ang loob at mga executive's suite naman ang nasa upper level.

Halos lumuwa ang mata nya sa ganda ng mga bagay na nakikita nya sa loob ng boutique. First time nyang makapasok sa ganitong tindahan. Hindi naman sa wala syang hilig sa girly stuff. Wala lang talaga syang oras para sa ganitong bagay dahil araw araw, kalsada ang kasama nya. Isa pa, hindi rin naman afford ng dalaga ang presyo ng mga tinda sa ganitong tindahan. Kulang na lang, hubarin ni Joey ang suot na sapatos dahil nakakahiya sa makintab na sahig kapag nadumihan.

"How may I help you, ma'am?" napalingon sya sa babaeng nagsalita. May tipid na ngiti ito. Pero napakaganda ng mukha. Angelic. Matangkad at pino ang kilos.

"H-Hi. I'm Joey, Mr. Del Fiero's secretary. Kukunin ko lang po yung pinareserve nya. Sabi nya alam nyo na daw po iyon."

Muling napangiti ang babae at napailing.

"A typical Lance. Ipinag-utos nya pa talaga. Anyway, I'm Rian, the store owner. I'll just get it inside. You can look around while waiting."

Umalis ito sandali. Pasimple namang nag-ikot si Joey para tingnan ang mga nakadisplay na tinda doon. Everything looks expensive. Ni hindi nya gustong hawakan ang mga iyon dahil baka madumihan. Wala syang ibabayad.

Sa halip ay naupo na lang sya sa couch at doon naghintay. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na uli si Rian kasama ang dalawang staff. Dala ng mga ito ang tatlong malaking paper bags. May dalawang kahon pa at sa tingin nya ay sapatos ang laman ng mga iyon.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang