Chapter 26

21.2K 369 16
                                    

Sumasakit na ang mga paa ni Joey pero hindi nya naman matiis na umupo na lang. Minsan lang sya makarating sa lugar na to kaya gusto nyang sulitin ang pagkakataon. Inabot na naman sila ng gabi dito... Ang totoo nyan, maaga pa ay nasa Disneyland na sila at naggagala na...

 

They already tried the rides... Sandamakmak na rin ang pictures nila kasama ang mga favorite disney characters. Hindi mawala ang ngiti ni Joey kanina ng mapanuod nila ang Grand Parade. Mas madami na rin ang tao ngayong gabi. Mas marami kasing show kapag lumatag na ang dilim.

 

 

"Tired already?", tanong ni Lance sa kanya. Malamang nakaramdam na rin sya ng pagod... Ngumiti lang sya dito...

 

 

"Medyo... Pero pwede pang humirit ng isa? hehehe...", she smiled sweetly.

 

 

"Name it..."

 

 

"Hmmn... Dun naman tayo sa 'It's a Small World'...", napakunot ang noo ni Lance.

 

 

"Pambata lang yun e..."

 

 

"Hindi naman... Sige na.. Last na to, promise!", itinaas nya pa ang kanang kamay nya na parang nanunumpa.

 

 

"Fine!"

 

 

***** 

 

Ilang beses na ba sya nakarating sa lugar na to? Hindi na mabilang. Pero ngayon lang nag-enjoy ng husto ang binata sa DisneyLand. Nakakapagod... Yes... Mababanat talaga ang buto mo sa binti dahil sa walang tigil na lakaran. But what's important is.... the happiness he can see from Joey's face. She's just so natural. Nakakawala ng pagod ang mga ngiti at tawa nya. In the duration of their trip, ni minsan hindi nya ito narinig na nagreklamo.

 

 

Until now... They rode in a boat inside the 'It's A Small World'... It's a popular musical boat ride located in Fantasy Land area. Doon mapapanood ang pinakamakulay at masayang musical show kung saan bida ang Disney Characters... The show will run in 8 minutes...

 

 

***

 

"Nag-enjoy ka ba?"

 

 

"Naman! Hindi pa ba halata, sir? Ang laki nga ng smile ko o....", sabi ni Joey...

 

 

"Call me 'Sir' again or else I'll leave you here in Hongkong...", sabi ni Lance...

 

 

"Hmmn... Pero may trabaho pa rin po ako?", hindi nya natiis na hindi mapangiti... What kind of girl is she? Inisip nya pa ang trabaho nya kesa sa chance na makauwi?

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now