chapter 11

6.1K 220 16
                                    

Chapter 11

THIRD PERSON'S POV

Pagbuhos ng malakas na ulan kasabay ng pagbusina ng mga sasakyan ang maririnig mo sa daan kung saan kasalukuyang nakatigil ang sasakyan ni Andrea

Napatingin na lamang siya sa backseat ng sasakyan niya, at doon nakahiga si Larrain na walang malay at umaapoy sa lagnat, traffic ngayon sa dinaanan nila at kasalukuyang bumabagyo, ibinaling niya ang tingin niya sa labas pagkatapos niyang titigan nang matagal si Larrain.

"mukhang makakansela ang site visit namen,"

pabulong niyang nasabi sa sarili niya saka ito umiling,

Natigil ang pakikipag usap niya sa sarili nang narinig niyang umungol si larrain.

Tinanggal niya ang seatbelt niya upang tignan nang mabuti ang kalagayan ni Larrain, halos mapaso ang palad niya nang mahawakan niya si larrain nabatid din nito ang panginginig ni Larrain dahil sa lamig, dali dali niyang hinubad ang coat na suot niya at ikinumot kay larrain,

"anung gagawin ko sayo"

nasambit nalamang ni Andrea na tila hindi alam ang gagawin, napailing siya lalo dahil halos di na gumagalaw ang mga sasakyan sa harap niya, alam niyang kailangan na ni larrain ngayon nang medical attention malayo pa ang ospital at sa sobrang traffic ay aabutin siya ng mahigit dalawang oras bago makarating doon, nagisip siya na tila kinalkula ang oras na aabutin, nang makakita siya nang space kung saan pwede siyang may u-turn ay sinamantala niya na ito upang makaalis

Batid niyang walang mangyayari kung tatahakin niya ang daan papunta sa ospital hindi din niya alam kung saan niya dadalhin si Larrain at kailangan na nitong magamot sa lalong madaling panahon,

Mas malapit kung dadalhin na lamang niya si Larrain sa bahay niya inabot siya ng 30 minutes bago makarating sa bahay niya. Dali dali itong bumaba at tinawag ang mga kasambahay niya upang tulungan siya.

Nang maihiga na niya si Larrain sa kama ay dali dali nitong tinanggal ang sapatos nito at ang coat niya saka niya ito kinumutan, tinawag niya ang kanyang kasambahay upang sabihan na tawagan ang family doctor nila upang mapatignan si Larrain., habang hinihintay ang pagdating ng doctor ay pinunasan muna niya si Larain ng basang bimpo para bumaba ang temperature nito.

"mam ako na po diyan"

sbi nang isang kasambahay ni Andrea,

"ako nang bahala dito umalis ka na"

maotoridad na utos ni Andrea, kumaripas naman ng takbo ang kasambahay.

Ihinawi niya ang mga natitirang hibla ng buhok sa mukha ni larrain, napalunok siya nang makita ang kabuuan ng mukha nito para siya nakakita ng natutulog na anghel napababa ang tingin nito dito at napadako sa mga mapupulang labi ni Larrain sa hindi niya malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso nito at halos hindi makahinga napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib.

Nasa ganoong posisyon siya nang may magsalita sa likuran niya

"mam andito na po si Dr. Reyes"

sabi ng kasambahay niya

Tumayo ito at tumabi upang makalapit ang doctor kay Larrain

Nakacross arm lamang si Andrea at sumandal sa pader habang Pinapanood ang Doctor habang sinusuri ang kalagayan ni Larrain.

Pagtapos nitong suriin ay kinausap niya si Andrea tungkol sa kalagayn nito.

"kailangan niya ng sapat na pahinga upang makabawi ng lakas"

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon