chapter 17

4.8K 177 31
                                    

Larrain's POV

Ang isip ko'y gulung-gulo, kasama ko si Lester ngayon dahil sinundo niya ako sa office kanina, prenteng nakatitig Lamang ako sa kanya habang siya ay nagmamaneho.

"oh beb, may dumi ba ako sa mukha o sadyang sobrang inlove ka saken kaya ganyan ka makatitig"

si lester na saglit lumingon sa direksyon ko at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"pero siguro nga ay nalason na niya ang utak mo, dahil ang mga biktima niya ay tulad mong madaling mapaniwala at mahina"

Biglang pagpasok ng boses ni maureen sa utak ko hindi ako nakapagreact sa sinabi ni Lester at tumingin nalang ako sa labas ng bintana,

Dati halos lumundag ang puso ko sa tuwing ngumingiti si Lester ng ganoon ngayon hindi ko na alam ang mararamdaman ko sobrang naguguluhan ako.

Paano kung totoo ang sinasabi ni Maureen? Sa katunayan parang ganun din ang nais ipahiwatig ni mam Andrea. May nalalaman din kaya siya o magkasabwat sila ni Maureen At gusto nilang masiraan ako ng bait? Pero anu namang dahilan nila para gawin yun?

At kung sakaling may katotohanan ang mga paratang nila, ano bang klaseng tao itong boyfriend ko?

Natigilan ako ng muling magsalita si Lester kaya napatingin ako sa direksyon niya

" grabe talaga yung Andrea na yan, biruin mo kagagaling niyo lamang sa Palawan ni hindi man lang kayo pinagpahinga trabaho na agad ang sinalubong sa inyo, may araw talaga siya saakin!"

Kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya sa huling sinabi niya, kita ko ang lisik ng mga mata niya na tila may hindi magandang mangyayari.

"a-anong Ibig mong sabihin?"

Di ko mapigilang mautal sa pagtatanong ko sa kanya ngayon ko lang kasi siya narinig na nagsabi ng ganun at seryoso siya madalas kasi pabiro lamang.

Lumingon siya sa akin, doon ko lalong nakita ang kanyang mga mata, parang may kakaiba sa mga ito, na ngayon ko lamang nakita,

" ah masama kasi siyang tao, biruin mo yun kaya niyang manakit nang basta-basta na wala naman akong ginagawa ,kaya mananagot talaga siya sa akin"

Sabay balik ng mga mata niya sa daan

" ah eh, mabait naman si mam Andrea, wala kasi choice kasi rush na atska..."

Di ko na natuloy ang sinasabi ko, babanggitin ko sana sa kanya ang ginawang pagliligtas sa akin ni Andrea, baka sasakaling magbago ang tingin nito kay maam Andrea, bigla kasi siyang nagtaas ng boses.

"anu ba naman yan beb!, siya na naman ba ang kakampihan mo kesa ako na nobyo mo at nandito sa tabi mo!"

Medyo kinakabahan ako kay Lester iba na ang aura niya ngayon.

"hindi naman sa ganon, ang sinasabi ko lang naging mabuti ang pakikitungo niya sa..."

hindi ko ulit matuloy dahil sa pag cut niya sa akin

"eto na naman ba tayo? ha Larrain?"

Hindi na ako nagsalita at tumingin nalamang muli sa bintana

Wag naman sana, pinagkakatiwalaan ko parin siya, pero wala namang masama kung magiging vigilant ako, mas papansinin ko siguro ang mga kilos niya ngayon, at siguro kailangan kong malaman ang totoong pagkatao niya, dahil sa totoo lang pakiramdam ko wala pa akong alam talaga tungkol sa kanya, bakit di ko ba naisip yun?

" andito na tayo" si Lester,

walang gana niyang sabi Di ko namalayan na nadito na pala kame sa tapat ng bahay namen, sobrang dami ng nasa isip ko,

she's the boss and also my loverWhere stories live. Discover now