chapter 14

6.2K 236 13
                                    


Chapter 14

THIRD PERSON'S POV

Nang tuluyan nang makaalis si Larrain. nagtungo si Andrea sa may sofa parang wala sa sarili itong naupo rito saka Sumandal na tila pagod na pagod at napapikit

"ganun ba ako kasama sa paningin niya? I somehow pity her for believing and trusting someone like Lester. But beyond that," 

pabulong nitong nasabi sa sarili niya saka napailing

 "I don't know"

Nagbihis na siya saka humiga, ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit hindi siya madalaw ng antok kaya napagdesisyunan niyang tumungo sa balcony ng silid niya upang magpahangin. Kinuha niya ang robe niya at isinuot ito.

lumabas si Andrea sa balcony ng silid niya, tila hindi niya batid ang lamig ng hangin. mula dito ay tanaw mo ang dagat at ang ganda ng kapaligiran. Tahimik at medyo madilim sa parte ng island kung saan nakatapat ang kanyang balcony iilang ilaw ng poste at ilaw na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay liwanag dito. tahimik at walang tao.

Isinara niya ang kanyang mga mata na wari mo'y may malalim na iniisip.

"how could Larrain be with someone for twoyears without knowing who really that person is"

Pabulong nitong nasabi, pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pigura ng babaeng gumugulo sa isipan niya.

"Larrain?" 

si Andrea

"teka anung oras na at andun pasiya sa may labas?" pumasok siya sa loob ng silid niya at tinignan ang oras

"2:30 am na bakit andun siya?" 

dali dali siyang lumabas at tinignan uli si Larrain kahit na may kalayuan ito ay kita niya parin ito

Sa di kalayuan ay may apat na kalalakihang palapit kay larrain ngunit tila hindi ito napansin ni Larrain,

Nahagip ito ng mga mata ni Andrea at nabatid niyang nakainom ang mga ito dahil pasuray suray ang lakad ng iba .

Maya maya'y nakita niyang tuluyan nang nakalapit ang mga lalaki kay larrain. Tila pinipilit nilang kaladkarin si Larrain papunta kung saan

"shit what are they doing"

 si Andrea na tila labis na nagaalala,

Kumaripas nang takbo si Andrea palabas upang puntahan si Larrain.

-------

"Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, I felt so guilty sa ginawa ko sana hindi ko na siya inapproach nang ganun"

malalim na pag iisip ni Larrain habang nakatingin sa karagatan

Maya maya'y may biglang humawak sa braso niya na tila nagpabalik sa kanya sa reyalidad, nangilabot si Larrain sa gaspang nang mga kamay na iyon

"hi miss tara sumama ka saamin sigurado mag eenjoy ka" 

sabi ng isang lalaki na tila wala sa sarili

Na naging sanhi upang lalo siyang mangilabot

"si-sino kayo? A-anong gi-ginagawa niyo?" 

 garagal na ang boses niya sa takot at kaba

"wag kanang mag inarte miss, kaming bahala sayo halika na" 

 sabi uli nang lalaki sabay higpit pa sa pagkakahawak sa braso ni Larrain sinubukang magpumiglas ni Larrain pero tila tinakasan na siya nang lakas hinila siya nang mga kalalakihang iyon na wari mo'y matatanggal na ang kanyang mga braso.

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon