chapter 12

6.4K 218 11
                                    

CHAPTER 12

THIRD PERSON'S POV

Dahan dahang pumasok si Andrea sa kanyang silid dahil ayaw niyang magising si larrain sa mahimbing nitong pagtulog, pinagmasdan lamang niya ito, tila hindi ito magsasawa kahit iyon lamang ang gagawin niya maghapon, hinaplos niyang muli ang noo ni Larrain at sa hindi maipaliwanang na dahilan eh tila may mga paro parong nagsiliparan at nagkakagulo sa tiyan niya, hindi niya alam kung bakit ganito ang epekto ni Larrain sa sistema niya,

Dali dali niyang tinaggal ang kanyang kamay sa noo ni Larrain, at tumungo siya sa kanyang banyo upang maligo,

Pagtutok niya sa shower ay ipinikit nito ang kanyang mga mata, dama niya ang sakit ng kanyang likuran dahil sa pagtulog nito sa sofa,

"Andrea, what exactly is happening to you?"

pagpapagalit niya sa sariili niya. Habang ang kanyang mga kamay ay humilamos sa kanyang mukha.

"You should be hating her for everything that she said and done to you"

sabi niya ulit sa sarili niya na tila nakikipagtalo siya rito.

Maya maya ay natapos na rin siyang maligo, tumungo ito sa walk-in closet niya para makapagbihis,

Kinuha niya ang hair dryer upang patuyuin ang buhok nito saka na ito nagbihis ng usual attire niya papasok na siya sa office. Paglabas niya ay muli nitong sinulyapan si Larrain habang natutulog . may ngiti sa kanyang labi nang tuluyan nang makalabas ito.

..........................................................................................................

Nang makarating siya sa kanyang destinasyon ay dali dali nitong binura ang ngiti sa kanyang labi, tulad nang laging tagpo sa gusaling iyon sa tuwing siya ay darating tila bangungot kung maituturing iyon sa mga empleyadong nandoon, dahil obligado silang batiin ang reyna kung maituturing ngunit ni sulyap ay hindi nila makakamit. At kung madalas ay pagpupuna at sermon ang kanilang aabutin.

Pagpasok niya sa elevator ay tila isa siyang malakas na pwersang nagtataboy sa lahat nang taong nais sumabay dito.

Ngunit nang pasara na ang pintuan ng elevator ay may mga kamay na walang takot na humarang dito.

Tuluyang pumasok ang lalaki sa loob ng elevator at hinarap si Andrea.

"hindi ba't ikaw ang boss ni Larrain asan siya ngayon?"

preskong tanong nito sa kanya

Tila nabatid ni Andrea kung sino ang taong lapastangang naglakas loob lumapit at kausapin siya nang basta basta, imbis na sumagot ito ay pinanlisikan lamang niya ito nang mga mata

Tila hindi tinablan ang binata sa tinging iyon ni Andrea

"paki usap, asan na si Larrain ngayon at kamusta na ang kalagayan niya"

sa puntong ito ay may bahid ng pag aalala at inis na sa boses ni Lester.

Nagtitimpi na si Andrea dahil hindi na niya gusto ang tono nang pananalita ni Lester, at dag dag pa ang kaalaman na ito ang nobyo ni Larrain.

"am I your girlfriend's keeper?"

sarkastikong tanong ni Andrea kay Lester na tila nangungutya.

"paki usap,"

tugon padin ni Lester

"I have already talk to her mom, and I'm not oblige to answer you,"

iritadong sagot ni Andrea rito,

"but I'm her boyfriend and future husband"

mayabang na sabi ni lester na tila nagpapantig nang tenga ni Andrea

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon