chapter 8

6K 219 2
                                    

third person 

"first she called me kampon ni satanas tapos ngayon hinawakan at hinila nya pa ako, pinaka ayoko talaga sa lahat eh yung hinahawakan ako, and that girl she's really getting on my nerves"

saad ni andrea sa kanyang isip habang gumagawa ng mga sketches para sa mga projects niya, 

dahil sa kanyang pagkainis sa mga naiisip niya di nya namalayan na napadiin na pala ang pagguhit niya dahilan upang maputol ang lapis at mabutas ang papel niya,

dali dali niyang pinalitan ang lapis at papel na gamit niya, ipinagpatuloy nya ulit ang kanyang ginagawa,

" siguro kailangan kong masubukan ang kanyang abilidad kung may ibubuga ba talaga siya,

and if she can't pass my standard, I'm Going to make her pay"

sa isip isip ni andrea, habang siya ay napangiti sa kanyang binabalak,

nang biglang may narinig siyang kumatok sa kanyang pinto at iniluwa nito ang kanyang assitant.

"Ma'am, ready na po ang conference room, for the meeting"

naputol ang kanyang pag iisip at nagsimulang tumayo at isina ayos ang kanyang mga gamit.

nagsimula na siyang maglakad papuntang conference room, habang siya ay naglalakad ay sinisipat niya ang mga papel na hawak niya upang kumpirmahin kung maayos na ang lahat,

pagpasok nya sa conference room ay may narinig siyang mahinang bulung bulungan at tuluyang nawala nang siya ay makita ng mga empleyado niya,

 lahat sila ay kumpleto na , sabay sabay silang tumayo at yumuko kay Andrea,

umupo nadin sila nang makaupo na Ang Reyna,

" we will be having a very big project for our foreign clients, who decided to put up a 7 star beach hotel that is sited in El Nido, palawan,"

pag uumpisa ni Andrea, tinignan niya isa isa ang mga empleyado niya,

dumako siya nang tingin kay Larrain at muling nagsalita

"and I have chosen Architect Larrain Gonzalez to be the second lead Architect, Project in Charge"

 saad ni Andrea habang hindi napuputol ang tingin kay Larrain

nagtinginan ang mga ibang arkitekto na tila ay may commotion na nagaganap sa kanilang pag iisip, na gustong iparating ang kanilang pagtutol

nang may biglang magsalita upang ipahayag ang gustong iparating ng lahat

" mawalang galang na ho Ma'am Andrea, hindi po ba it's a wrong decision to appoint her to be the second architect sa project nating ito? knowing na baguhan pa lamang siya, for few weeks sa pag stay dito, ni hindi pa nga siya nakakagawa kahit residential house projects palang tapos siya yung iaassign niyo for this? hindi ba unfair para samin yun na marami nang experience?"

saad nang isang arkitekto na mga nasa early 30's na ang edad,

" I don't need your opinion ar. Salas! "

 pasigaw na sagot niya dito saka siya tumayo sa kanyang kinauupuan sa may kabisera ng conference table 

"do you want to take my place here? " 

panghahamon na dugtong niya habang nakatingin ng seryoso kay Salas

tumahimik ang lahat at yumuko, tumingin nalang si Architect Salas nang masama habang nakayuko at ibinaling sa kanyang mga kamay na naka sarado na animo'y may gusto siyang suntukin.

"we will be having our presentation sa client naten by next month, so sa makalawa magkakaroon tayo ng site visit, we need to work faster, dahil hindi basta basta ang mga clients naten, but tomorrow I need all your ideas, sketches and details for the projects" 

dugtong ni Andrea

tila wala nang gusto pang tumutol sa desisyon niya

napatingin si Andrea kay Larrain na halatang may pagkabigla sa kanyang mga mata at pagtutol narin ,nagkatitigan sila at ngumiti si Andrea na parang nang iinis napayuko na lamang si Larrain.

nagpatuloy sa pagdidiscuss si Andrea tungkol sa project na gagawin nila  ipinakita niya ang ang site at location using projector, at kung anu ang size, nag usap usap narin ang mga ibang arkitekto at empleyado regarding sa project,

lumipas ang ilang sandli at natapos na rin ang kanilang meeting, una nang lumabas si Andrea, sumunod na rin ang iba,

paglabas ni larrain hindi niya namalayan na may naka abang pala sa kanya at sinabi nito na sumunod sa kanya

sa pagkakatanda ni Larrain ito yung lalakeng tumutol kanina sa pag appoint ni Andrea sa kanya bilang second architect sa project,

sumunod naman si Larrain dito pumasok ang lalake sa isang stock room, pumasok din si Larrain

"sino ka ba sa tingin mo?!!" 

pagalit na saad ng lalake kay Larrain

nagulat si Larrain sa narinig nya nang mapatingin ito sa lalake sumalubong sa kanya ang mga mata nitong nanlilisik.

nilakasan ni Larrain ang loob nya at sumagot ito

"kahit ako din naman ay walang Idea at alam sa mga naging desisyon ni Ma'am Andrea kanina, pasensya na ho kayo"

sagot ni Larrain sa lalake, saka ito lumabas, ngunit hinawakan  nya ito sa braso

" you don't deserve it you know? hindi ako makakapayag sa mga nangyayare antagal ko nang nagtatrabaho dito and I haven't receive or had that kind of opportunity this is b*ll sh*t,!"

nagngingit-ngit sa galit ng lalake, nagulat naman si Larrain sa naging asal nito sa kanya

"you don't have the right to do or say that to her Mr. Salas. I don't want someone like you in my team, I'm removing you from this project!"

napatingin si Larrain at si Salas sa babaeng nag salita at tumambad sa kanila si Andrea na masama ang tingin sa lalake

" I would rather trust her kesa sayo na mayroong attitude na ganyan, akala mo hindi ko alam ang paglaban mo sa akin nang patalikod? akala mo ba palalagpasin ko lahat ng mga pinaggagagawa mo? if you won't stop, one of these days you will be packing your things out!"

galit na tugon ni Andrea wala nang nagawa yung lalake at umalis ng mabigat ang paa, ikinagulat ni Larrain ang pagtatanggol sa kanya ng kanyang terror boss.

"mam Andrea maraming salamat po sa pagtanggol ninyo sa akin" pagpapasalamat ni Larrain kay andrea

"don't flatter yourself, I'm not defending you ,

you have to prove yourself kung ayaw mong mapaalis din dito"

 walang emosyong tugon ni Andrea kay Larrain saka umalis na nang tuluyan

naiwan namang nakatulala si Larrain sa mga nangyayare, bumuntong hininga na lamang siya at naglakad narin palabas.

thanks for reading :)

she's the boss and also my loverWhere stories live. Discover now