chapter 16

4.7K 150 32
                                    

Chapter 16

Nagising si Andrea sa kanyang paghimbing nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya. Napabalikwas siya at nasilayan kung sinu ang lapastangang yumakap sa kanya, kahit na madilim sa silid na iyon ay naaninag niya parin ang taong iyon, dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan na sumisilip sa bintana ng kanilang silid at imbis na magalit ay tila napangiti pa ito sa kanyang nasilayan, bagamat ang paglapit at paghawak sa kanya ng ibang tao ay isa sa mga bagay na pinaka ayaw niya. tila nakahanap ito nang eksepsyon sa katauhan ni Larrain.

Natigilan siya ng lalo pang sumiksik sa kanya si Larrain at sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa, pakiramdam niya ay sumikip ang dibdib niya dahil hirap siyang huminga at kahit malamig sa kwartong iyon ay pinagpapawisan siya. Pakiramdam niya ngayon ay paralisado ang buong katawan niya,

Humugot siya ng lakas upang ilayo ang kaniyang mukha sa dalaga upang masilayan niya ito ng maayos , sa isip isip niya kahit ganito sila buong araw ay di siya magsasawa tignan si Larrain, sa buong buhay niya ngayun lamang siya nakaramdam ng peacefulness at contentment. Humigpit pa ang yakap sa kanya ni Larrain at isiniksik ang kanyang ulo sa leeg ni Andrea,

"aba nawili ata ang babaeng ito sa pagyakap saaken"

saad ni Andrea sa kanyang isipan ngunit hindi nito mapigilang mapangiti at siya mismo ay gusto ang sensasyon na ibinibigay nito sa kanya. At tila may sariling isip ang kanyang mga kamay at gumanti sa mga yakap ni Larrain. Unang beses sa buhay niya na ibaba ang mga pader na ipinalibot niya sa sarili niya at papasukin ang natatanging tao.

Nawala ang pagkailang na kanyang naramdaman kanina at napalitan ng pagiging komportable at dahan dahang bumigat ang kanyang mga mata at nakatulog ng mahimbing na ngayun lang niya naranasan sa buong buhay niya.

.........

LARRAIN'S POV

mmmmmm ang bango, at lambot naman ng unan na ito ang sarap yakapin, at parang yumayakap ito pabalik saakin. Ang init ng yakap ang sarap pang matulog..

Dinama dama ko pa ang unan ko bago ko napagdesisyunang buksan ang aking mga mata, para akong disoriented at pilit inaalala kung nasaan ako ngayon,

Nang tuluyan ko nang maidilat ang mga mata ko tila isang anghel ang akin nasilayan, halos masilaw ang mga mata ko sa liwanag na mula sa araw at iniilawan ang diyosa sa harap ko na tila kay himbing ng tulog,

"grabe ang ganda naman ng unan ko"

pabulong kong nasabe sa pagitan ng pag uunat ko

Teka bakit parang pamilyar ang unan na to?

Napabalikwas ako ng dumilat ang unan ko, at tumitig sa mga mata ko. At ngumiti pa.

Bilang ganti ngumiti din ako pabalik,

"mam Andrea?"

pagputol ng isang boses sa moment namen ng unan ko.

At tila bumalik ako sa reyalidad,

Napatayo ang katabi ko na naalala koy si mam Andrea pala, back to reality na nga at tila nabago ang expresyon ng kanyang mukha na kanina lamang ay kay amo at napaka aliwalas, malaanghel siya kanina pero sa ngayon ay tila nabalot siya ng masamang elemento, at wariy dumilim ang paligid.

At maya maya pay umalingaw ngaw ang sigaw niya sa bawat sulok ng aming silid.

" what are you two doing here!?"

sigaw niya

"get the F*ck out of here"

sunod na lintanya niya

she's the boss and also my loverHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin