Chapter 23

3.2K 126 31
                                    


lumipas ang dalawang linggo at naging ganoon ang set-up ni Larrain

ibaba siya ng driver sa basement level ng building at sasamahan sa elevator patungo sa floor nila.

kaya kahit na araw araw mag abang si Lester sa labas ng building nila dahil naka ban na siya sa loob ay hindi niya padin nakikita ang kanyang nobya, na tuluyan ng lumayo ang loob sa kanya,

dahil dito ay lalong na frustrate si Lester at dumoble ang poot na nararamdaman kay Andrea dahil alam nitong siya ang may pakana ng lahat.

"bantay sarado" kung tutuusin si Larrain ngunit hindi naman yung tipong preso ang dating, minsan ay nakakadalaw padin ito sa kaniyang ina, ngunit kasama padin niya si Felix o di kaya si Andrea mismo.

hindi parin alam ni Larrain ang buong pagkatao ng kanyang nobyo, pero dahil sa mga nangyari ay hindi na niya gustong makita at makausap ito sa mga panahong ito. at imbes na magmukmok at damdamin pa ang mga bagay bagay ay isinubsob na lamang niya ang kanyang sarili sa trabaho.

si Larrain kasi ang tipo ng tao na tulad din ni Andrea will give her very best in everything that she is committed to, mapa work or sa buhay. she is a goal oriented, willing to learn new things. very focus and love her craft.

nakikita iyon ng kaniyang mga katrabaho, at higit sa lahat ni Andrea, kaya tila lalo itong humahanga sa dalaga, naging magaan ang working environment nila, dahil sa mga araw na nagdaan tila maganda lagi ang mood ng tinagurian ng lahat na "the evil boss"

nakikita nila ang bahagyang pag ngiti nito, na noon ay di nila nakita kahit pahapyaw lamang.

bagama't hindi parin maipaliwanag ni Andrea ang mga nangyayare at nadarama niya ay pinili na lamang niyang hayaang umagos ang tubig.

....

napakaganda ng pagsikat ng araw na nagrereplika sa liwanag at maaliwalas na mood ni Andrea.

maraming tao na nagmamadali patungo sa kanilang kanya kanyang department.

but when they saw the Queen Approaching they all startled and starts to give way.

"G-Goodmorning P-o Ma'am Andrea"

alanganing bati ng mga empleyado.
bagama't alam nilang hindi sila papansin binati padin nila dahil obligado silang gawin iyon. pero this time nagkakamali sila

isang ngiti ang isinagot ni Andrea, saka naglakad patungo sa elevator.

nanlaki ang mga mata ng mga tao na nasa lobby na iyon sa nakita nila, tila nagbukas ang tarangkahan ng langit at tila may mga God rays na lumabas dito na nagmistulang spotlight sa nagliliwanag na Aura ni Andrea

"anung meron kay Madam Lucy?"

bulong ng isang empleyado sa kasama nito pagkasara ng Elevator na pinasukan ng kanilang Boss

"baka may naclose na magandang deal?"

sagot ng isa,

"lovelife?"

singit naman ng isang lalaki sabay pumipilantik ang mga daliri , habang sila ay papasok sa may kalakihang scenic elevator kasya ang mahigit dalawampung katao halos mapuno na ito dahil sa dami ng empleyado na nagmamadali, kahit na siksikan ay hindi ka naman maso suffocate dahil gawa ito sa glass at kita ang view sa labas.

"hahaha Lovelife?? kay Madam Andrea? Imposibleng magkalovelife yun, doon tayo sa unang choice"

suhestiyon ng isang empleyado habang naiiling pa sa pagtawa

tila lumaki naman ang tenga ni Larrain na kasalukuyang nakasakay din sa may elevator na iyon ng marinig ang pangalan ni Andrea nasa likuran siya ng mga empleyado na nagchichismisan.

she's the boss and also my loverWhere stories live. Discover now