chapter 20

3.5K 154 43
                                    


Third Person


nakaramdam ng malamig na hangin si Andrea paglabas niya ng Bathroom, pagtingin niya sa may gawi ng kama kung saan nasa harap nito ang bintana at pintuan patungo sa veranda ay nakita nito ang nakatalikod na si Larrain

kita nito kung paano banayad na liparin ng hangin ang hanggang baywang na buhok ni Larrain kasabay ng paggalaw ng mga maninipis na kurtina.

"picture perfect scene"

pabulong na sinabi Andrea sa kanyang sarili. kinuha niya ang kanyang phone at palihim kinunan ng letrato si Larrain.

at tila may sariling isip ang kanyang mga paa at naglakad ito patungo sa direksyon ni Larrain

habang siya ay papalapit ay sumasalubong sa kanya ang sariwang hangin na banayad na dumadampi sa kanyang balat,

dala ng sariwang hangin ang halimuyak ni Larrain
dahil ito ay nasa harapan ng pintuan ng veranda ng tinutuluyan nilang cottage. napapikit si Andrea habang sinasamyo ang bango ni Larrain.

Dahil abala si Larrain sa kanyang pakikipag usap sa telepono, di niya namalayan na nasa likuran na niya ang kanyang Masungit na Boss

hindi sinasadyang marinig niya ang mga sinabi ni Larrain sa kausap niya, ngunit hindi niya matukoy kung sino nga ba ang kausap ni Larrain.

"ah beb sorry, kasi sa sobrang pagod ko nakatulog ako sa biyahe kanina,"

napataas ang kilay nito nang marinig niya ang sagot ni Larrain sa kausap niya,

nakumpirma niya na si Lester ang kausap nito, tila nakaramdam siya ng libo libong karayom na tumusok sa puso niya,

ngunit hindi niya maintindihan kung bakit.

gustuhin man niyang hablutin ang hawak na cellular phone ni Larrain at itapon sa may dagat, nang malaman niyang si Lester ang kausap nito pero hindi niya magawa at pinili na lamang niyang magpakatsismosa at patuloy na makinig.

hindi ugali ni Andrea ang makielam sa buhay ng ibang tao, ngunit pagdating kay Larrain pakiramdam niya everything matters. lahat ng tungkol dito at lahat ng sasabihin. ay mahalaga

nakatitig lamang ito sa tila hindi mapakaling si Larrain Habang nakikipag usap.

" beb, alam mo naman nung una palang kung anong klaseng Career path ang napili ko , college days palang diba, halos di narin tayo makapag usap diba?"

muling sabi ni Larrain nabatid ni Andrea na may hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan sa oras na ito.

" ang buong akala ko pa naman ay naiintindihan mo ako, akala ko Tanggap at supurtado mo ako,!"

kahit hindi eksaktong makita ni Andrea Ang kanyang mukha batid nito na nasasaktan ito bakas sa boses niya kahit nagtaas pa ito ng boses..

"Lester, alam mo naman na matagal ko ng pangarap ito, at kung di mo matanggap pwess...."

kita ni Andrea ang pagtaas ng balikat nito na tila humuhugot ng lakas ng loob, at ang pagbaba nito na hudyat na siya ay handa nang magsalita.

"maghiwalay nalang tayo!"

nanlaki ang mata ni Andrea sa narinig niya tila hindi na niya narinig ang sumunod pang sinabi nito, hanggang sa ibaba na nito ang telepono.

gusto man niyang magdiwang dahil sawakas ay kumawala na si Larrain sa lalaking iyon. ay hindi niya magawa sapagkat batid nito na nasasaktan si Larrain sa mga oras na ito.

nanginginig na ang katawan ni Larrain sanhi ng kanyang pag iyak.

hindi nagdalawang isip si Andrea at banayad niyang kinuha ang kamay ni Larrain, at hinawakan ito na parang sinasabing

she's the boss and also my loverWhere stories live. Discover now