chapter 9

6.2K 215 10
                                    

(Author's note)

mga boss pasensya na po sa very very late update  dahil sa super busy, thank you po sa lahat ng sumusuporta sa story na ito, hehe maraming salamat po talaga :))) enjoy lang po kayo :)

___________________________________________

Chapter 9

third person

" is this an opportunity or what? Para akong na eexcite na kinakabahan, na di mapakali, na ewan can't explain what exactly should I feel. "

Sa isip-isip ni larrain habang siya ay nasa harapan ng computer at may iniririsearch about sa project, bukas kasi dapat may maipass silang ideas, sketches and everything kay Andrea at kinabukasan nun ay aalis sila upang magkaroon ng site visit sa palawan.

Nag umpisa nang maging abala ang mga tao sa paligid ni larrain, tanging pag lukot ng papel lamang ang maririnig niyo sa silid niya, dahil sa ulit ulit ito sa kanyang ginagawa minsan ay isang guhit pa lamang ang kanyang nagagawa tapos pupunitin na niya saby lulukutin at itatapon.

Nagsearch siya ng mga ibat ibang informations for the users, and owners, like, kung anu yung mga bagay na gusto ng taong maexperience during vacation, etc.

Una gumawa siya ng outlines, mga objectives, design solutions, tapos mas ginawa niyang creative, nag start siyang gumawa ng mga sketches ng bawat ideas na isinulat niya, napangiti siya nang maalala niya yung college life niya parang ganyan din ginagawa niya,

Napansin niyang halos wala nang tao sa office nila at patay na ang ibang mga ilaw, hindi parin siya tapos sa kaniyang ginagawa, dahil unang beses siyang sumabak sa ganito sinisiguro niya na maayos ang lahat,

Nakaramdam siya ng pagbigat sa mga mata niya, unti unti nang pumikit ang mga mapupungay niyang mata.

Sa kabilang banda si Andrea ay abala din sa mga ginagawa niya naisipan niyang pumunta sa pantry para magkape, paglabas niya sa kanyang silid ay napansin niya na bukas pa ang ilaw sa silid ni larrain sinilip niya kung bakit bukas pa iyon

At nakita niya si larrain na mahimbing nang natutulog sa lamesa niya, napangiti si Andrea sa nakita niya, hindi niya mapigilan na maglakad palapit kay Larrain, pinagmasdan niya ito habang natutulog, at siyay lalong napangiti, napansin niya ang mga papel na nakalagay sa table nito, tinignan niya ang lahat nang ito, napatango tango siya na tila ay sumasang ayon sa mga nakita niya,

"This is great, her ideas are surprisingly amazing, may ibubuga naman pala siya eh,"

Napangiti ito habang patuloy sa pagsusuri sa mga hawak niya. Inilapag na niya ang mga papel na hawak niya sa lamesa, napadako ulit ang tingin ni Andrea sa imahe ni larrain na mahimbing na natutulog, at napadpad ang kayang tingin sa mga labi nito, napalunok siya at may kung anu anung bagay ang pumasok sa isip nito ngunit iniling iling na lamang nito ang kanyang ulo, napatitig na lamang siya sa kabuuan ng mukha ni Larrain, napansin niya ang likas na kagandahan ng dalaga, nang biglang magring ang cellphone ni Larrain na naging dahilan upang siya'y magising mula sa kanyang pagtulog, biglang nataranta si Andrea dahil nagtatakang nakatingin sa kanya si Larrain na parang nagtatanong kung anung ginagawa niya sa kanyang silid, kaya sumigaw na lamang siya upang pagtakpan ang pangyayaring iyon.

"Ms. Gonzalez, what do you think are you doing?? This is a place of work! Not a bedroom!" 

Pagalit na sigaw ni Andrea kay Larrain sabay bigla siya tumalikod, huminga muna siya nang malalim na parang nabunutan ng tinik sa dibdib bago tuluyang maglakad palayo kay Larrain,

Naiwan nalamang si Larrain gulat at nagtataka sa nangyare ni hindi narin niya nagawang magsalita, nabaling na lamang ang pansin niya sa kanyang teleponong tumutunog, sinagot niya ito at narinig si Lester ang kanyang nobyo sa kabilang linya at sinabing hindi siya masusundo nito dahil may emergency daw, tumango na lamang siya, pagkababa niya ng telepono niya ay pumunta siya sa pantry para magtimpla ng kape.

Pagpasok niya doon naabutan niya si Andrea na gumagawa ng kape gamit ang brewing machine, nagkatinginan sila ngunit biglang binawi ni Andrea ang kanyang tingin saka siya inirapan ito, at ipinagpatuloy nito ang paggawa ng kape, pinagmasdan lamang ni Larrain ang paggawa ng kape ni Andrea, namamangha siya dahil para itong barista na sanay sa paggawa ng kape, parang yung mga nakikita niya sa coffee shop, kumpleto kasi ang mga gamit at sangkap sa pantry nila,

Gusto sanang icompliment ni Larrain si Andrea ngunit pinigilan niya dahil alam nitong susungitan siya nito,

Tapos na si Andrea sa paggawa niya ng kape, tinignan niya ng masama si Larrain dahil napansin nitong nakatitig lamang sa kanya ang babae, saka niya ito inirapan.

Humakbang na palayo si Andrea, wala kang ibang maririnig sa pagitan nilang dalawa kundi ang tunog ng takong na tumatama sa sahig.

Hindi pa man siya nakalalayo ay may narinig siyang nagsalita,

"Excuse me mam, may problema po ba kayo saken?"

Pambabasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa,

Lumingon si si Andrea at binigyan siya

ng what the hell look, saka siya tuluyang naglakad palayo.

Naiwan nanaman si Larrain nang nakatulala at hindi rin makapaniwala sa mga salitang binitawan niya,

Hindi nalang niya masyadong inelaborate ang nangyare sa isip niya, tinignan niya yung picher na nasa brewing machine nakita niya na may natira pa dito, sinubukan niyang gayahin ang ginawa ni Andrea, tinikman niya ito ngunit nalukot ang itsura niya dahil hindi niya nagustuhan ang lasa nito,

"Panu kaya ginawa ni mam yung ginagawa niya kanina"

Mahinang bulong niya sa sarili niya, inulit niya ang ginawa niya tinikman ulit at hindi parin niya nagustuhan,

Lingid sa kaalaman niya si Andrea ay nandoon padin sa may di kalayuan at tinitignan niya ang ginagawa ni Larrain, napapailing na lamang ito sa nakikita niya,

Sa sobrang inis ni larrain kumuha na lamang siya ng mga naka sachet na 3 in 1 na kape at iyon na laman ang itinimpla niya,  bumalik na siya sa silid nya at saka ilinagpatuloy ang ginagawa niya habang humihigop ng kape, makalipas ang mahigit isang oras natapos na siya sa ginagawa niya, natuwa siya sa kinalabasan sana maaprubahan ito napangiti siya inayos niya ang mga gamit niya tinignan niya ang oras , 10:00 pm na pala, naglakad na siya palabas mapapansin niyo ang kadiliman na bumabalot sa paligid,  tinungo niya ang elevator,  at saka siya sumakay pinindot niya ang ground floor, nang makarating siya sa palapag ay dali dali siyang lumabas, napansin niya na umuulan pala ng malakas,

Napapikit siya nang maalala niyang wala pala siyang dalang payong, sa may kabilang daan pamandin ang abangan ng taxi,

Huminga siya nang malalim saka inilagay sa ulo nya ang coat niya sabay takbo papunta sa kabilang daan,  buti na lamang eh may puno doon na kahit papano ay nagawa niyang silong, ngunit basa narin siya, medyo nakaramdam siya nang lamig,

Matagal tagal na syang nakatayo, at wala pading pumaparang taxi,

__________

Habang nagdadrive si Andrea natanaw niya ang imahe ni Larrain na basang basa, hindi man madyadong malinaw ang nakikita niya dahil sa maraming tubig ulan na bumubuhos sa windshield ng sasakyan niya,Ngunit nakasisigurado parin siya na si Larrain ang babaeng iyon, lumapit siya ng konti at at itinigil ang sasakyan, napansin nitong nanginginig na ang babae sa lamig, nakaramdam siya nag pagkaawa, pinag iisipan nito kung pasasakayin niya ba ito, or what, naisip niya na baka mabasa lang ang sasakyan nito, tinabig na niya ang kambyo niya at pinaandar ang sasakyan niya ngunit inapakan agad ang break, nagtatalo parin ang isip niya, hindi niya namalayan na kusang kumuha ng payong sa backseat ang kamay niya na tila ay may sariling pagiisip, hinawakan niya ang pintuan ng sasakyan niya at akmang bubuksan na, natigilan siya nang makita ang senaryong may lalaking may daladalang payong at jacket na lumapit kay larrain, ipinalupot nito ang jacket na hawak kay larrain at pinagbukas ng sasakyan, tuluyan nang nawala sa paningin ni Andrea si Larrain, namukhaan niya yung lalaking yun, yun yung lalaking kasama ni Larrain sa resto, at nung isang araw, malamang nobyo niya yung lalaking yun, nakaramdam nang pagka inis si Andrea, binilisan niya ang takbo ng sasakyan niya

at tuluyan nang nakalayo

thanks for reading :).

she's the boss and also my loverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt