Chapter 26

7.7K 194 195
                                    


"congratulations Iha, another big project for our company".

pagbati ng  ama ni Andrea sa kanya, si Ar. Albert Salcedo,
tila lalakeng version ito ni Andrea, he has a very stern expression, bagamat may edad na mababatid mo parin dito ang kanyang taglay na kagwapuhan.

nadatnan niya itong nakaupo sa kanyang swivel chair, kakatapos lamang ng kanilang meeting at presentation sa client at naging matagumpay ito.

"When did you get here?"

tila di interesadong sagot nito sa kanyang ama, pakiramdam niya ay ramdam niya ang lahat ng pagod dahil kinahapunan na ng sila ay matapos, at idagdag pa ang mga nangyari kinaumagahan,

"alam mo manang mana ka talaga sa Ma'ma mo, ubod ng kasungitan"

saad ng kanyang ama

walang ganang umupo si Andrea sa sofa ng kanyang opisina lumapit naman ang kanyang ama sa kanya at umupo sa tapat niya,

"you're not getting any younger Iha"

seryosong saad ni Albert sa kanyang anak sabay taas ng dalawa niyang kilay

"I see where this is going"

pabalang na tumayo si Andrea, naglakad ito patungo sa salamin at tumingin sa view sa labas, kita niya pa din ang repleksyon ng kanyang ama sa salamin na ngayon ay nasa likod na niya

"Adrian is now here in the Philippines"

tila lumukot ang noo nito sa narinig niya sa kanyang Ama

"stop it Pa'pa I know what is on your mind, and you already know my answer"

walang lingon na sagot niya

"you know that their company will help us to expand even more, and we are able venture almost all the fields in construction. isa pa alam mo naman na ever since ikaw lang ang gusto niya, you don't have to be inlove with him, Just consider it as a Business deal iha"

pag pupumilit ng kanyang ama,

"at isa pa kailangan mo ng successor to sustain our company as I said earlier, I know that ever since you generally don't like people, but please re consider this iha, It's for our company, you know kung gaano naghirap ang angkan naten para mapalaki at mapalago ito"

hindi parin lumilingon si Andrea dito at di siya na din siya nag salita

"Okay I will give you time to decide Iha, And hindi ko na ipipilit si Adrian sayo kung may napupusuan ka na."

saad ng kanyang ama saka tumingin sa may labas na tila malalim ang iniisip

natigilan si Andrea sabay napatingin sa kanyang kamay kung saan nakabalot ang panyo ni Larrain, bagamat may bakas ng nanuyong dugo ay kita padin ang nakaburdang pangalan niya dito. napa iling na lamang siya sa pumasok sa kanyang isipan.

" which I doubt na mangyayare that is why I'm giving you this options.. oh paano mauuna nako Iha"

pagpapatuloy ng kanyang ama bago ito tuluyang umalis,

pinagmasdan lamang ni Andrea ang palabas niyang ama sa pintuan she rolled her eyes as the door closed,

saka niya ibinaling ang tingin sa labas,

she's working hard not to gain her father's approval, but to prove to his father that she is beyond perfection.

mababatid na hindi siya naging malapit ng kanyang ama lumaki siyang mag isa, her parent's relationship is not good. kaya simula palang ay di na siya naniwala sa love, tingin niya ay hindi naman ito importante sa buhay niya.

muli niyang tinignan ang kanyang kamay, at dalidaling kinuha ang first aid kit,

tinanggal niya ang panyo ni Larrain saka itinapon sa basurahan,

pinalitan niya ito ng gauze.

di siya mapakaling tumayo  at tumingin sa basurahan,

tila hindi ito nakatiis at kinuha muli ang panyo ni Larrain saka niya inilagay sa isang paper bag.

.........................................

"Ms. Maurine, pwede ba kitang makausap?"

naiilang na bati ni Larrain kay Maurine na kasalukuyang nasa Pantry

isang matipid na tango lamang isinagot niya dito

dali daling umupo si Larrain sa tabi nito

"Sorry ah, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para muling kausapin ka,"

huminto siya saglit upang huminga ng malalim

"sobrang daming nangyare, at sobrang gulo ng isipan ko, dagdag mo pa ang dami ng trabaho na sumalubong sa akin,
kaya di ko na nagawang kausapin ka at humingi ng tawad"

isang ngiti lamang ang iginawag ni Maurine kay Larrain na nagbibigay ng Assurance na ayos lamang ang lahat

naging maayos ang kanilang pag uusap, pero may mga bagay na tila hindi na maibabalik pa sa dati, at natanggap naman iyon ni Larrain.

bumalik si Larrain sa kanyang opisina upang asikasuhin ang mga bagay na kailangan niyang ayusin, dahil sa susunod na buwan ay magsstay sila ng matagal sa site dahil once na maapprove na ang lahat ng dokumento ay mag uumpisa na ang construction at ang kumpanya din nila ang magmamanage nito.

pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa kanyang silid ay huminto siya at malungkot tinanaw ang silid ni Andrea. iniisip niya kung kamusta na ito.

tuluyan na siyang nakapasok sa kanyang opisina,

"ms. Larrain  pinapasabi po ni Ma'am Andrea na dumiretso daw po kayo sa may parking"

saad ni Angeli saka ito umalis

tila naexcite naman si Larrain sa narinig niya kaya dali dali niyang inayos ang kanyang gamit, nag ayos nadin siya ng kanyang sarili,

nakipag unahan pa ito sa ibang empleyado upang makasakay ng elevator dahil uwian na at marami na ang mga tao na nais nang makauwi.

pero si Larrain ay nakikipag unahan dahil batid nito na naghihintay si Andrea sa kanya kaya halos hawiin na niya ang kanyang daanan upang mabilis na marating ang parking lot.

nang makarating ito sa parking lot ay naabutan lamang niya si Felix na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan.

isang bagong modelo ng volkswagen beetle na kulay itim, iniregalo sa kanya ito ng kanyang ama, hindi niya ito nagamit ng matagal na panahon dahil laging andiyan siya Lester upang maghatid at mag sundo sa kanya.

habang papalapit siya ay tila di tumigil ang kanyang mga mata na tila may hinahanap, ngunit to her dismay walang Andrea na naghihintay sa kanya

"Ms. Larrain, nagkaroon po ng problema sa baterya ang inyong sasakyan mukhang matagal po itong hindi nagamit kaya tumirik po ito."

bungad sa kanya ni Felix sabay abot ng susi

"pero maayos na po dahil napapalitan na ho ng baterya"

nagpasalamat lamang si Larrain dito.

pag sakay niya sa kanyang sasakyan ay natanaw niya si Andrea na pasakay ng kanyang sasakyan, kita niya rin ang mabilis na pag lapit ni Felix dito.

yumuko ito upang paandarin ang kanyang sasakyan

saktong pag yuko niya ay di niya nakita na sinulyapan siya ni Andrea bago ito  tuluyang pumasok at umalis.



...........................................................

thanks for reading

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon