chapter 15

9K 300 82
                                    



Chapter 15

LARRAIN'S POV

Andito padin kami ngayon sa site and mam Andrea is currently discussing how are we going to start this project, kasi next month mag pepresent na kami sa client, I can't understand how she manage to take care of those goons, oo nga pala maurine told me not to look at her as an ordinary woman, sobrang lakas niya ang lalaki ng katawan ng mga lalaking yun eh, banat na banat sa gym, tapos kung titignan mo naman si mam Andrea bukod sa ubod ng sexy at matangkad parang wala siyang kamuscle muscle san kaya nanggagaling yung lakas nun,?

I should be very very thankful, kasi kung hindi siya dumating malamang natagpuan na ako sa dalampasigan na wala nang buhay diyos ko wag naman ho,

And right now super na akong humahanga sa kanya, and now mas lalo akong naguguluhan kung ano ba talaga yung nangyari sa kanila ni Lester , bakit niya sinapak si Lester?, should I ask her why? But for sure she won't answer me, of course kailan ba ako nagtanong sa kanya not related to work na sinagot niya, wag na umasa Larrain,

And oh I remember, she even told me that I don't really know Lester that much, oo nga we've been together for two years, but we just hang out usually sa malls, kain sa labas then dun sa bahay namen, at nagkukwento lang siya about sa work, napaisip tuloy ako bigla do I really know him that much?

Okay larrain, enough

Hindi dapat ako nagdodoubt sa kanya,

Itinuloy ko na lamang ang pakikinig ko kay mam Andrea, tinignan ko ang mga kasama ko patango tango lang sila, at napakatahimik, nabaling ang aking pagtingin kay mam Andrea, na seryosong nagsasalita , ni wala man lang bahid ng pagngiti sa kanya, sobrang nakakaintimidate talaga siya,

Natapos na ang lahat ng works namen dito and by tomorrow morning babalik na kame sa manila.

Inayos ko na ang mga gamit ko andami ko kasing isinulat na mga notes kaya mejo magulo, nagmadali na ako nang napansin kong wala na yung mga kasama ko dito sa loob ng tent, palabas na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko, sa gulat ko ay nabitawan ko ang mga hawak ko saka ako napalingon sa kung sinu yung humawak saakin,

Aaminin ko na mejo na trauma yata ako sa mga ganung senaryo yung may biglang hahawak sa braso ko, dahil sa pangyayari kahapon, pero tila napawi lahat ng takot ko ng Makita

Si

mam Andrea..,

Siya pala yung humawak sakin,

"oh Im sorry mam Andrea, nagulat po kasi ako"

pagpapaumanhin ko sa kanya sabay pulot sa mga nahulog na papel,

"mukhang natrauma ka ata sa nangyari sayo kagabi, wag mo nang masyadong isipin yun"

si mam Andrea na tila imagination ko lang pero may concern sa tono ng boses niya at bahagyang ngumiti ayun nagdaga nanaman puso ko, sabay yumuko din siya upang tulungan akong pulutin ang mga gamit na nahulog

Isang papel na lang ang natira at nung akmang dadamputin ko na ito ay aksidenteng kamay ni mam Andrea ang nahawakan ko nakaramdam ako ng kakaiba nang mahawakan ko yung napakalambot at makinis niyang mga kamay para akong nakuryente tumingala ako at nagtama ang mga mata namen at biglang bumilis ang tibok ng puso ko eto nanaman yung weird na pakiramdam ko ni hindi pa nga nakakarecover yung katawan ko sa pagkakuryente may bago nanaman akong nararamdaman ngayon?.

I never felt this way before, yung feeling na hindi mo maipaliwanag yung feeling, you know it's weird , and I feel so uncomfortable but at the same time I feel secure, ganito ba talaga yung epekto ng tao pag sobrang hinahangaan mo siya? Oo tama yun talaga yun,

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon