chapter 10

6.6K 243 11
                                    

Chapter 10

Tunog ng alarm clock ang malakas na nambulabog sa mahimbing na tulog ni Larrain,

Pagmulat ng kanyang mga mata, ay dali dali siyang bumangon ngunit bumagsak parin sa kaniyang kinahihigaan dahil sa sobrang sama ng pakiramdam, marahil dahil  kagabi ay babad siya sa ulan. naging mahina ang resistensya niya dahil sa kakulangan sa pagtulog,

Bagamat siya ay nanghihina, pinilit niya paring bumangon, napasandal na lamang siya sa headboard ng kanyang kama at napapikit, kumukuha muna siya ng lakas bago sinubukang tumayo muli, dahan dahan siyang tumayo, nagtagumpay naman siya ngunit maya maya lang ay nawala ang balanse niya, napahawak naman agad siya sa upuang nasa may malapit sa kanya,  dahil gawa lamang ito sa kahoy at may kagaanan, hindi nito kinaya ang bigat ng dalaga kaya bumagsak parin siya kasama ang ang upuan, nakagawa ito ng malakas na kalabog, labis na nasaktan si Larrain sa nangyari, nagtamo rin siya ng gasgas sa kanyang braso,

Maya maya ay may narinig siyang mabilis na pagtakbo palapit sa kwarto niya, marahas na pagpihit ng door knob ang sumunod niyang narinig,

" diyos ko, anak anung nangyare sayo!?" 

Gulat at nag aalalang bulalas ng kanyang ina na hingal na hingal,

Dali daling niyang itinayo si Larrain, at tinignan ang kanyang mahal na anak, sinipat sipat nito ang binti, tuhod, at braso nanlumo ito nang makita ang pasa at gas gas, Napansin din niya ang mataas na temperatura ng anak, hinaplos haplos nito ang leeg at noo ng kanyang anak,

" ang anak ko, anung nangyare sayo,? Bakit ganito? Sobrang taas ng lagnat mo, halika dadalhin na kita sa ospital,!" 

Natatarantang sabi ng kanyang ina

Inalalayan ng kanyang ina si larrain at pinaupo sa gilid ng kama,

" OA much lang mom? Konting lagnat lang ito, kailangan ko lang uminom ng gamot okay na ako, kailangan ko talagang pumasok ngayon"

pagkontra naman ni larrain, mababatid sa tinig niya ang panghihina ngunit pinipilit parin niyang maging mukhang maayos sa harap ng ina

" umabsent kana muna anak ko, gagawan nalang kita ng excuse letter, magpahinga ka muna, baka lumala yan," 

medyo nahimasmasang sabi ng kanyang ina

Natawa si Larrain sa sinabi nang kanyang ina at muling nagsalita

" mommy naman,?? Ano ako elementary? Hindi na pwede yan ngayon ma, dapat  professional ako sa mga ginagawa ko at mas maging responsable, hindi naman pwedeng ganito,"

Napayuko ang kanyang ina sa sinabi nito

" hay ang bilis ng panahon, dalaga na talaga ang baby ko,"

Sambit ng ina ni Larrain, habang hinahawi ang mga hibla ng buhok na nasa mukha ng kanyang anak,

"Ikaw talaga mamita, wag kana masyadong magdrama diyan, gusto mo bang magkawrinkles at magmukhang matanda na? "

Nakangiting sabi ni Larrain sa kanyang ina sabay yakap dito, malapit talaga si larrain sa kanyang ina ,

"Naku ikaw talaga nambola kapa diyan sige na, gagawan nalang kita ng lugaw para umayos ang pakiramdam mo,"

Sagot ng kanyang ina, at umalis na sa kanyang kwarto,

Bagamat nanghihina parin si Larrain ay pinilit parin niyang tumayo, sumunod siya sa kanyang ina sa baba, nagtungo siya sa kanilang kitchen at umupo sa may breakfast nook habang hinihintay ang kanyang inang matapos magluto,

she's the boss and also my loverWhere stories live. Discover now