chapter 22

3.3K 134 55
                                    

9:00 am

Mahimbing padin tulog ni Andrea at Larrain sa sofa na magkayakap. Tila doon nakasalalay ang buhay nila.

Incoming call.....

Nagising si Andrea sa tunog ng tawag sa telepono, Hirap siyang magmulat ng mga mata dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana.

Bukod doon ay,

Dama din niya ang bigat at ang kakaibang init na tila bumabalot sa katawan niya. ngalay din ang kanyang braso na wariy may nakapatong dito.

Natigilan siya ng humigpit ang mainit na bagay na pumapalupot sa kanyang katawan.

Nang tuluyan niyang maimulat ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang maganda at maamong mukha ni Larrain na gahiblang buhok lamang ang pagitan mula sa kanya.

Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso na ilang araw na niyang nadarama sa tuwing malapit sa kanya ang dalaga,

ikinagulat niya ang pagdilat ng mga mata ni larrain.

Dahil sa labis na pagkagulat at taranta

di sinasadyang naitulak niya Si Larrain at nahulog sa sofa,

Nanlaki ang mga mata niya ng Makita niyang malihis ang robe na tanging suot nito, dahilan upang halos makita ang buong katawan niya.

Namula ang kanyang mukha dahil sa nasaksihan, ngunit hindi nito magawang tanggalin ang kanyang mga mata sa katawan ng dalaga, nang mag angat siya ng tingin ay tila dumoble ang tibok ng kanyang puso,

Heto nanaman ang staring contest nila, at wala ni isa sa kanila ang gustong bumawi ng tingin

bumalik silang dalawa sa reyalidad ng muling tumunog ang telepono ni Larrain.

Wala sa sariling napatayo si Andrea

"I-I'm s-sorry m-ms. Gonzales"

Halos utal na sambit niya na, di na niya muling magawang tumingin sa direksyon ni Larrain . saka siya dali daling naglakad ng mabilis palabas at agad nitong isinara ang pintuan, napasandal ito na para bang naubusan ng lakas habang hawak ang kanyang dibdib na hanggang ngayon ay ayaw kumalma.

"What the heck Andrea?"

Madiin na bulong sa kanyang sarili saka tuluyang naglakad palayo.

Naiwan namang disoriented si Larrain na nakaupo sa sahig tila hindi pa niya narerealize kung ano ang mga nangyare,

nang tumunog muli ang kanyang telepono, ay wala sa sariling tumungo sa may coffee table at dali daling kinuha itk na kanina pa nag riring,

Tinignan niya ang screen ng kanyang cellphone

Incoming call Leila.......

Dali dali niya itong sinagot hindi paman siya nakakapagsalita ay dinig na niya ang lakas ng boses ng kanyang kausap

"Oh my God Larrain!, nasaan ka!?"

Bungad ni leila

"Home?" Wala sa ulirat na sagot nito,

"Do you exactly know what time it is? Lagot ka kay madam, mabuti nga at wala pa siya dito "

Nanlaki ang mga mata ni Larrain sa Narinig nito at tinignan ang orasan nagulat siya nang makita nyang lagpas alas nuwebe na.

luminga-linga siya sa paligid at nakita ang di pamilyar na silid,

pumikit siya at pilit inalala ang mga pangyayare,

"come on Larrain..."

nang magflashback sa isipan niya ang mga nangyare, pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig.

she's the boss and also my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon