chapter 4

8.1K 235 4
                                    

larrain's POV

andito na kami ngayon sa isang silid,

hindi ito kalayuan sa office ni Ma'am Andrea.

until now I still can get over kung gaano kaganda ang building na ito,

the impression of it's design you will know immediately na mga Architects and Engineer ang mga nagtatrabaho dito.

bawat silid dito ay may kanya kanyang characters, pag pasok ko palamang dito ay nararamdaman ko na yung kakaibang atmosphere,

pakiramdam ko eh ngayon palang gusto ko nang mag umpisang magtrabaho,

sarap mag trabaho sa lugar na ito,

It's a green Building,


sa Atrium ng building ay may mga halaman na matataas, 2-3 floors ang height nila, dito mo makikita ang indoor garden with a huge skylight,

kahit na yung hangin ay galing sa labas pag pasok dito ay tila sariwa na,

may mga indoor gardens din sa ibat ibang part.

dahil very dynamic ang design ng building, they manage to put up a skylights in some part of the floor levels.

"oh Larrain, bakit ka nakatulala diyan?"

pagtapik ni Maurine na tila nagpabalik sa akin, ,

"ah wala lang, naaamazed lang talaga ako sa design ng building na to."

sagot ko sa kanya habang patuloy na iniikot ang tingin sa kabuuan ng gusali

"actually every now and then narerenovate itong building na ito,

matagal nadin ang company na ito nag umpisa sa lolo sa tuhod ni boss, they started small, pero habang tumatagal eh lumalaki, at sumisikat pati na rin sa ibang bansa,"

kwento ni maurine,

"very hard working pala ang angkan ni boss,
and marami nadin silang sakop na businesses related to construction and stuff"

dagdag ko sa sinabi niya

kahit nung nag aaral palang ako naririnig ko na ang firm na ito, very famous nga siya sa bansa, and ever since tinake up ko yung architecture na set na sa mind ko na dito ako magtatrabaho, pero hindi ko inexpect na matatanggap ako kaagad,

"oo kilala ito na pinapatakbo ng mga kalalakihan, mula sa lolo sa tuhod hanggang sa ama ni boss, kaya maraming nagulat nung formal na ipinakilala si Ma'am Andrea bilang bagong president ng company, nag iisang anak kasi siya, at isa pa malaki ang tiwala ng ama niya sakanya dahil sobrang galing na architect nito, kilala siya Internationally, most of her projects ay nasa ibang bansa,

talagang pinatunayan niya na kahit babae siya ay kaya niyang makipagsabayan sa trabaho na ito"

sabi ni maurine,

" lagi ko ngang naririnig ang pangalan niya college palang ako nun siguro mga nasa 4th year palang ako,

nakilala ko na din siya sa wakas, pero mukhang hindi maganda ang una nameng Encounter "

sagot ko sa kanya.

" hay nako larrain hayaan mo na yun lagi talagang ganun si boss, walang pinapalagpas, masanay ka nalang, alam mo ba balita ko noon nung unang sabak palang niya magmanage ng project,

during the construction. meron daw sigang construction worker syempre ang nasa isip niya babae lang si Ma'am. hindi iimik.

alam mo naman siguro ang karakas ng ibang construction workers diba?

she's the boss and also my loverOnde histórias criam vida. Descubra agora