- L : 1 -

1.4K 52 6
                                    


      
      
──────⊱⁜⊰──────

Unang Libro: Lax

O1

──────⊱⁜⊰──────



Pinanood ko ang rekonstruksyon ng palasyo mula sa hardin. Malapit na itong matapos. Nakatingala ako sa araw, isang kamay ay nagli-lilim sa aking mga mata. Kaybilis ng tatlong buwan. Hindi ko alam na maraming magbabago sa loob nito.

"Inumin, Kamahalan?"

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang aking kapatid na nakangiti. Kumuha ako ng isang baso. "Salamat, Cixi. Hindi talaga ako masasanay sa tawag na iyan."

Nilapag niya ang tray sa mumunting mesa sa aming gilid at nagpameywang. "Hari ka na ng buong kaharian at ako nama'y prinsesa. Akalain mo iyon, kuya?" At sumingkit ang kanyang mga mata sa pagtawa, bagay na bagay sa kanyang dilaw na bestida. Tinuro niya ang palasyo. "Diyan na ba tayo titira?"

Tumingin din ako sa palasyo at gaya ng nakagawian, lahat ng masasaya at mapait na ala-ala ay nagbalik sa'kin. Ang mga tawanan namin ni Naven noong mga bata pa kami, ang mga oras na sinanay niya ako sa paghawak ng espada, ang pagdating ni Iris, ang rebelyon, at ang duguang katawan ng babaeng mahal ko. . .

"Oo." Walang bahid ng saya ang aking boses.

"Ayan ka nanaman eh."

Napatingin ako agad kay Cixi at nakabusangot siya sa'kin. "Huh?"

Umiling siya. "Alam ko na ang tingin na iyan. Iyan yung tingin na nagsasabing hindi ka pa maayos tulad ng pinapakita mo sa'ming lahat." Hindi ako nakapagsalita. "Maaari mo namang ipakitang nasasaktan ka, Kuya. Masamang magpanggap."

Yumuko ako at tiningnan ang mga kamay. "May mga responsibilidad na ako."

Mabigat na ang aking tungkulin. Marami na ang nakapatong na trabaho sa aking mga balikat. Hindi na ako ang dating lingkod na pag-aayos lang ng mga dalaga ang inaalala. Ngayon, pagsasa-ayos ng mga isla ang aking tungkulin at hindi ako pwedeng magpabaya dahil marami ang umaasa sa'kin. Sobrang dami kong bubuhatin sa aking likod.

"Kamahalan." 

Isang mahinhin na boses ang aking narinig mula sa likod.

"Ate Eyha!" masayang bati ni Cixi at tumakbo siya para yakapin ito.

Tiningnan ko lamang si Eyha habang masaya niyang inaakap pabalik ang aking kapatid, isang malaking ngiti sa kanyang mga labi. Napakaganda ng kanyang bestida-- isang maputlang klase ng lila na napapalamutian ng mga orchids na puti. Dapat ay matuwa ako sa ganda ng aking Reyna. . . ngunit ang kulay na lila ay nagpapaalala lamang ng isang babaeng hindi ko malimot.

Pantay ko siyang tiningnan. "Anong kailangan mo?"

"Ang lamig mo naman, Kuya!" suway ni Cixi. Hindi ko siya pinansin.

Nahihiyang ngumiti sa'kin si Eyha at yumuko. "M-May nais lamang akong pag-usapan natin. Kung maaari--" Tumingin siya sa kapatid ko. "--yung tayong dalawa lang."

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now