- H : 1 -

866 34 13
                                    




──────⊱⁜⊰──────

Ikatlong Libro: Henrieta

O1

──────⊱⁜⊰──────



Nagising siya na sumisigaw.

Gaya ng nakagawian, agad akong pumunta sa kanyang tabi. "Shh," pagtahan ko sa kanya habang pinapainom siya ng tubig. Pinunasan ko ang naumuong pawis sa kanyang noo gamit ng twalya. Ang mga mata niya'y puno ng pagkalito at takot at galit, ibang-iba sa mga mata ng binibining nakilala ko noon.

"Wag mo kong hawakan!" sigaw niya nang tangkain kong haplusin ang kanyang balikat. Inakap niya ang kanyang malaking tyan bilang depensa.

"Hindi kita sasaktan," mahina kong sabi. "Kakampi mo ako."

Tinitigan niya lang ako gamit ng mga matang puno ng galit. Hindi na niya ako kilala. "Sino ka?"

Ngumiti ako. "Ako ay kaibigan."

"Sino ka?" ulit niya. Mas galit ang tono.

Ipinakita ko ang pilak na singsing sa aking daliri. "Ako si Henrieta. Hindi mo ba ako naaalala?" Natulala siya sa lilang dyamante. "Niligtas kita."

Dumako ang tingin niya sa'kin. "...Sino ako?"

Natikom ang aking bibig.

"Nasaan ako?" tumingin-tingin siya sa paligid. Nagtungo ako sa kalapit na kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto ng karne.

"Nasa Hana tayo," nilingon ko siya. "Natatandaan mo ba kung ano ang Hana?"

Saglit siyang napaisip. "Itim...na usok."

Ngumiti ako. "Tama. Itim na usok." Ipinihit ko pasara ang stove at inilipat sa plato ang aking niluto. Nang ihain ko ito sa kanyang harapan, halata sa kanyang itsura na nais na niyang lantakan ang pagkain. "Sige na, kumain ka na."

At sinunod niya nga ako.

Hindi na siya gumamit ng kubyertos, kinamay niya ang karne at idineretso sa kanyang bibig. Araw-araw ganito ang aking gawain. Habang papunta ako sa kabilang parte ng bahay, sa sala, hindi ko maalis ang bigat sa aking loob.

Gigising siya sa ibang araw na natatandaan ang lahat.

Pagkatapos ay balik nanaman siya sa pagkalimot.

Binuksan ko ang telebisyon. Mabuti na lang at ang Hana ay pangalawa sa Vena bilang pinakamayaman na isla. Hininaan ko ang tunog nito upang hindi mapukaw ang atensyon ng dalagang kumakain. At tamang-tama, ang lingguhang broadcast ay ipinapalabas na.

"-kumuha ng opinyon mula kay Haring Lax, ngunit anumang balita patungkol sa Reyna ay hindi nito tinutugon-"

Kitang-kita ko ang lukot na mukha ni Lax habang nakaupo sa trono, ang kabilang trono ay walang nakaupo. Masama ito. Alam ko ang pinagdadaanan ni Eyha. Alam ko ang kundisyon ng kanyang pagbubuntis.

Paraisla i: PangakoМесто, где живут истории. Откройте их для себя