- L : 5 -

920 37 2
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Unang Libro: Lax

O5

──────⊱⁜⊰──────


Umagang-umaga ay tanaw na ang mga barkong dumadaong sa pier ng Paraisla. Ang mga mahahabang hibla ng iba't-ibang kulay ng papel ay nakasabit sa mga puno. Sumasayaw ang mga ito sa hangin. Maraming tao sa palasyo ang abala sa paghahanda ng mga upuan at pagkain, ang iba'y pinauunlakan ang mga dumadating na bisita.

Dama ni Eyha ang saya sa paligid at ang pagkasabik ng mga lingkod sa palasyo habang siya'y naglalakad sa mga pasilyo. Hindi siya pansin ng lahat dahil hindi niya suot ang kanyang damit pang-Reyna. Damit ng lingkod ang kanyang suot.

"Nay, tingnan niyo oh! Kay puti ng kanyang balat!" turo ng isang batang lingkod sa kanyang ina sa isang babaeng dayuhan.

Halu-halo ang mga dayong dumating. Ang iba ay singkit ang mata, ang iba nama'y itim na itim ang balat. Karamihan ay mga mapuputi at maputla ang mga balat, namumula ang mga pisngi. May humila sa kanyang braso.

"Kamahalan," hingal na sabi ni Rebecca.

Ngumiti si Eyha. "Nahuli na ako."

"Mahal na Reyna, dapat ay nagbibihis na kayo upang samahan ang mahal na Hari sa pagpupulong," mabilis na paliwanag ng kanyang lingkod.

Payat at maliit na babae si Rebecca na may maputlang dilaw-tsokolateng buhok. Lagi itong tahimik at kapag nagsasalita siya'y sa maliit na boses lamang. Isa pa ay galing ito sa Luna. Dahil dito, mas lalo siyang minahal ni Eyha bilang lingkod at kaibigan.

"Ngunit alam mo naman, hindi ba?" mapaglarong tiningnan ng Reyna ang babae. "Alam mo naman kung ano ang aking balak ngayon."

"Pero, mahal na Reyna-"

"Tsaka, hindi naman ako kailangan sa usapan nila. Babalewalain din naman ng Konseho ang aking mga pahayag kaya't-" napatigil siya saglit nang mapatingin sa direksyon ko.

Hindi alam ni Eyha na sinusundan ko siya kanina pa.

"Lax," gulat na sambit niya.

"Mahal na Hari," yumuko si Rebecca habang papalapit ako sa kanila.

Tahimik kong tiningnan ang aking reyna ulo hanggang paa. Nahiya naman siya sa kanyang suot kaya't kaunti akong natawa. Mabuti na lang at napigilan ko ito ng aking palad.

"A-Anong nakakatawa," tanong ni Eyha.

"Aba," nakangiti kong sagot. "Paanong sumasagot sa'kin ang isang lingkod ng palasyo? Nakakamangha."

Kahit si Rebecca ay hindi mapigil ang ngiti. Sinimangutan siya ni Eyha. "Wala akong balak pumunta sa pulong niyo."

"Sinong nagsabing pwede kang tumakas?" tanong ko.

"Hindi ako kailangan dun."

"At sinong nagsabi?"

Paraisla i: PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon