- H : 3 -

653 33 10
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Ikatlong Libro: Henrieta

O3

──────⊱⁜⊰──────



Ilang segundo siyang tinitigan ni Daniel at seryoso itong nag-isip, pumikit, at nag-ayos ng salamin. Puno naman ng pag-asa siyang tiningnan ng Prinsipe, inaasahan ang pagpayag nito sa kanyang plano. Sa gilid ng silid, naroon ang dalawang dalagang Napili na tahimik lang na nakikinig.

"Kamahalan," seryosong saad ni Daniel. "Ikinakatakot kong hindi gagana ang planong ito."

"Pero, Daniel-" Tumayo ang prinsipe. "Hindi ba't magaling ka sa ganitong bagay? Hindi mo ba sila makukumbinsi dito?"

"Alam kong pinagkakatiwalaan niyo ako sa mga ganitong bagay. Kaya't ako na mismo ang nagsasabi sa inyong-" direkta niya itong tinitigan "-hindi papayag ang palasyong pakasalan niyo ang isang tao."

"Edi baguhin natin ang batas! Kahit ano, Daniel! Hindi ba maaari iyon?" natatarantang tanong ni Gweneld. Huminga ako nang malalim.

"Kapag nalaman ito ng inyong mga magulang, tiyak na sasabog ang mga ito sa galit," bulong ko. Dumako ang tingin ko sa dalawang babae. "Ngunit una sa lahat, maaari ko bang tanungin sa mga dalagang ito kung alam ba nila ang kanilang pinasukan?"

Nabahala naman sina Daniel at Gweneld sa aking tinuran lalo na nang lapitan ko ang mga dalagang iyon. Yumuko naman sa kaba si Winona habang tutok lang sa'kin si Astrid.

"Alam niyo ba kung ano talaga kami?" mahina kong tanong.

Hinawakan ako ni Daniel sa balikat. "Henrieta, nakikiusap ako-"

"Mga halimaw kami," madiin kong sabi. Nanlaki ang mata at nagtaas ng tingin si Winona. "Kumakain kami ng taong kagaya niyo para mabuhay." Lumunok si Astrid at kinokontrol ang takot sa mukha. "Ilang taon na kaming nabubuhay, mas matagal pa kesa sa inyo. At ang Pagkalap na ito ay walang iba kundi isang palabas para makakuha ng pagkain."

"Henrieta!" hinila ako palayo ni Prinsipe Gweneld sa galit.

Ngunit pantay ko lang siyang tinitigan. "Hindi ba dapat una pa lang ay sinabi mo na sa dalagang iyan-" turo ko kay Winona na umiiyak "-kung ano ka at ano ang pwedeng mangyari sa kanya kapag dinala niya ang anak niyo?!"

Huminga siya nang malalim.

Nanginginig naman si Winona. "T-Totoo ba iyon?" Namumutla ang kanyang mukha. "Totoo ba ang sinabi niya, Gweneld?"

"Pumapatay kayo ng tao?" tanong ni Astrid. "...at kinakain?"

Pinasadahan ni Daniel ang kanyang tansong buhok. "Oo. Patawarin niyo kami kung hindi namin sinabi agad."

Tumakbo na lang palabas si Winona na hindi nagpapaalam at umiiyak na lumisan. Tinawag siya ni Gweneld at bago niya ito sundan, tumingin muna siya nang masama sa'kin. Nang makaalis sila, nakita ko namang nagkatitigan sina Astrid at Daniel.

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now