- E : 2 -

647 33 2
                                    




──────⊱⁜⊰──────

Ikalawang Libro: Eyha

O2

──────⊱⁜⊰──────



Nanginginig akong nakatayo at nakatitig sa pinto ng lumang kwarto ni Iris. Ni minsan sa panunuluyan ko dito, hindi ako nagpunta sa lugar na ito dahil sa mga ala-ala. Nang masunog ang palasyo, isa ang gawi ng mga kwarto ng mga Napili na malalang nasira. Ngayon, ginawa na itong mga kwarto ng mga bisitang negosyante.

Tandang-tanda ko pa ang mga araw na pinipihit ko ito at inaaya si Iris na lumabas para sa mga gagawin. Isa siyang kaibigan kahit sa maikling panahon lang.

Ngunit hindi ko maintindihan ang aking panaganinip. Isa ba iyong mensahe mula sa kabilang buhay? O resulta ng nararamdaman kong kasalanan sa kanya dahil ako ang humalili sa kanyang dapat na posisyon?

Huminga ako nang malalim at binuksan ang kwarto.

Tumitig ako. Wala na ang bakas ng itsura ng kanyang kwarto noon. Simple lamang ang disenyo nito, walang sapin sa kama at kurtina sa bintana. Tahimik, bakante, patay. Nanginig ako lalo sa huling salita.

"Patay ka na," bulong ko sa hangin. "Wala ka na rito."

Ano bang sinasabi ko? Agad kong niyakap ang sarili. Ramdam ko ang galit na lumalabas mula sa kanyang balat sa aking panaginip. Ngunit panaginip lang iyon, hindi ba? Gawa-gawa lang iyon ng aking utak! Kaya't bakit ko pinagsasalitaan ang yumaong na si Iris sa ganitong paraan?

Agad akong lumabas at sinara ng marahas ang pinto na parang tumatakas sa isang nanghahabol. Pinagmasdan ko ang buto't-balat kong mga braso at kamay.

"Ngayon, pahihirapan kita. Pahihirapan kita hanggang sa kamatayan."

"Hindi," usal ko. "Kakayanin ko 'to. Hindi mo magagawa 'to sa'kin."

Napuno ako ng galit at nagmamadaling lumisan sa lugar na iyon.


──────⊱⁜⊰──────


Nakataklob ako ng tela sa aking suot habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo. Matagal na akong hindi nakakapunta sa bulwagan ng pagpupulong kung saan nag-uusap ang Hari at ang Konseho sa mga plano. Ngunit ngayon, nais kong sumilip. Alam kong magugulat at mag-aalala si Lax sa aking paglisan ng kwarto ngunit wala akong pakialam.

Nais kong ipakitang isa pa rin akong Reyna. Na kaya kong gampanan ang aking mga tungkulin.

Ilang mga mata ang tumingin sa'kin nang madaanan ko sila ngunit lalo ko lang tinakpan ang aking mukha. Sa aking itsura, malamang ay pag-uusapan ako ng mga lingkod sa palasyo.

Sa malayo pa lang, rinig ko na ang pag-uusap na nagaganap sa loob ng bulwagan. Tumayo ako sa tapat ng malalaki at matatangkad na kahoy na pinto, papasok na sana nang-

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now