- N : 4 -

631 31 4
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O4

──────⊱⁜⊰──────


Nakasuot siya ng isang puting bestida, mga perlas sa kanyang buhok, kulay rosas ang mga pisngi. Payat man ay nakikita pa rin ang ganda sa kanyang mukha na dating malaman kapag ngumingiti. Sa mga kamay niyang nakatupi sa tyan nakaipit ang kumpol ng mga puting tulips at pulang rosas. Pinanood ko, pati na ang mga tao sa paligid ko, lahat ng iyon na ibaba sa ilalim ng lupa.

"Eyha," hagulgol ng isang matandang babae habang inaakbayan ng Hari. "Anak."

Ang paligid ay puno ng itim na payong at puting nyebe. Ang hangin ay makapal sa lungkot at pagkawala. Hawak ako ni Ina sa balikat, habang nakatitig ako sa bumababang kabaong sa butas sa lupa. Dumako ang tingin ko kay Kuya Lax, na dati lang ay puno ng ngiti noong ako'y nagdaos ng kaarawan.

Ngayo'y tulala lamang siya na parang hindi makapaniwala.

Pagkatapos ng seremonyas ay iginaya ako ni Ina upang umalis. Ngunit hindi ako gumalaw. "Ninette, halika na."

"Mauna na kayo." Nakatitig lamang ako sa lupa. "Mauna na kayo, Ina."

Hindi siya nagsalita at nag-aalangang binitawan ang aking balikat upang akayin ang umiiyak na ina ni ate Eyha. Lumapit ako sa lugar na pinaglibingan, kung saan nakatayo din si kuya Lax.

Matagal kaming hindi nagsalitang dalawa.

"Wala na siya."

Isang pangungusap na kapag hindi nailabas ay parang walang resolusyon sa nangyari. Lumabas iyon sa bibig ng Hari na walang emosyon. "Wala na siya. Nagkakamali lang ba ako?"

Tiningan ko siya, may mga nyebe na sa kanyang buhok.

"Hindi ko man lang siya nasamahan sa huling sandali," sabi nito. "Wala ako doon para samahan siya. Naghirap siguro siya... Siguro'y napakasakit ng dinanas niya..."

Lumuhod ako sa lupa, sa nyebe, at tumingin ng deretso sa tinabunang lupa. Wala akong maramdamang emosyon. Ang pagpapapakita ni ate Eyha sa panaginip ko ay hindi ko pa rin maintindihan. Siguro'y nalaman ko na...

Simula pa lang alam ko nang mamamatay siya dahil sa kanyang anak.

"Ate," bulong ko. "Alam ko na ang kasagutan sa tanong mo."

"Bakit ba kinamumuhian mo ako ng sobra?! Ano bang kasalanan ko sa'yo, ama? Ano bang ayaw mo sa'kin?!"

"Mabuti nang wala ka na dito upang marinig ang sagot," bulong kong muli. "...Hindi mo magugustuhan kung nalaman mong hindi ka niya minahal. Na hindi siya masayang ikaw ang nakuha niya."

Tumingin ako sa Hari na nalulunod na sa kanyang mga sariling luha at hinanap ang isa pang lalaki na dapat nandito. Ang ama ni ate Eyha.

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now