- N : 2 -

564 28 6
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O2

──────⊱⁜⊰──────



Pagkatapos ng simpleng handaan para sa aking kaarawan, hindi ko namalayan na palubog na pala ang araw. Habang ginagabayan kami ni Kuya Lax papunta sa aming kwarto ni Ina, hindi ko maiwasang makaramdam ng pamilyar na takot. Palipat-lipat ang tingin ko sa bawat pasilyo, hinihintay na sumunggab sa'kin ang isang halimaw.

Ngunit nakahinga ako nang malalim nang imahinasyon ko lang ang lahat.

"Masaya akong pumayag kang dito magdaos ng kaarawan," masayang sabi ng Hari sa akin. Hindi ako sumagot. "Sana nagustuhan mo ang inihanda kanina."

"Nagustuhan ko po," mahina kong sagot. "Salamat."

Ngumiti lamang siya na parang may naaalala sa akin. Siguro'y naalala niya si Ate. Nabanggit ni Ina na malapit daw silang dalawa sa pamamalagi ni Ate noon dito.

"Ninette."

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod. May tumawag sa akin.

"Ninette."

Hindi ako nagkakamali. Boses ni Ate Iris iyon. Boses niya. "Ate..."

"Ninette...Halika," tawag nito mula sa malayo.

Nagsimula akong tumakbo. Nandito si Ate Iris! Gulat na tinawag ni Ina ang aking pangalan ngunit lumiko na ako sa isang pasilyo. Wala akong ibang maisip kundi nandito ang ate kong matagal nang nalayo sa akin. At tinatawag niya ako.

Kailangan niya ako.

"Ninette."

Hindi ko na alam kung gawa-gawa lamang iyon ng aking utak pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang makita. Kahit na... Kahit na...

Muntik na akong lumiko nang may marinig akong boses ng isang lalaki. Halatang galit ito dahil mataas ang kanyang boses. Sumilip ako habang nagtatago sa pader.

"—nang binigay ko sa'yo lahat ng hindi dapat sa'yo—ang pagiging Reyna, ang trono, ang yaman, ang titulo, pati na ang kinababaliwan mong lalaki!"

Nakita ko ang Reyna... si Ate Eyha, sabunot ng isang lalaking mas matanda sa kanya. Val. Oo, natatandaan kong ipinakilala ako ni Ina sa kanya kanina noong selebrasyon. "Kaya magtanda kang malandi ka, na ako ang masusunod sa buhay mo dahil ako ang nagbigay niyan sa'yo!"

Hindi ko nagustuhan ang aking nakikita. Maluha-luha si ate Eyha nang siya'y bitawan ng marahas ng kanyang ama.

"Kung talagang hinihingi mo ang iyong kamatayan, bahala ka anak. Pero pasensyahan tayo kung palitan kita balang araw bilang Reyna ng islang ito-"

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now