- E : 3 -

719 29 2
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Ikalawang Libro: Eyha

O3

──────⊱⁜⊰──────



Tatlong bisita ang narito ngayon sa hardin kasama ko.

Halos mag-away kami ni Lax kaninang umaga upang palabasin niya ako dito. Hindi naman ganun kalakas ang pag-ulan ng nyebe. Kung tutuusin, perpekto ang araw na ito upang magpalamig sa labas at pagmasdan ang mga batang anak ng mga lingkod na maglaro habang balot na balot ulo hanggang paa.

"Ina, nagpapasalamat talaga akong pumayag kang bumisita." Sumandal ako sa kanyang balikat. "Kahit na ayaw mo siyang makita." Tinutukoy ko ang aking ama.

Ngumiti siya, ang mga guhit sa kanyang mukha ay nagpapakita. "Hindi ko naman hahayaang mag-isa dito sa palasyo ang anak ko sa kanyang ikawalong buwan. At sa magiging huli."

Hindi maitatanggi ang pagkagulat ni Ina sa buto't balat kong pangangatawan kanina pagbaba niya sa barko. Ako'y nagpapasalamat na lang na wala na siyang sinabi patungkol dito.

"Ninette, anak! Halika nga rito sandali," tawag ni Astrid na nakaupo sa aking kanan sa mahabang kahoy na upuan. Sa di kalayuan, gumagawa ang labing isang taong gulang na si Ninette ng taong-nyebe kasama ng ilang batang lingkod.

Alam kong mahirap kumbinsihin ang batang si Ninette na lumabas sa kanilang bahay at lumayag kasama ng ina dito. Ngunit kaarawan kasi nito ngayon at nagdesisyon si Astrid na dito sa palasyo na lang ganapin ang pagdiriwang. Mabuti na lang at kahit papano ay nakikipaglaro siya ngayon sa ibang bata.

"Hindi ka pa pormal na nakakapagpakilala sa Reyna," sabi ni Pinunong Astrid sa bata nang makalapit ito.

Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko ngunit nanatili lang na sarado ang kanyang bibig at walang emosyon ang mga mata. Ako na ang unang nagsalita, "Maligayang kaarawan, Ninette! Alam kong lalaki ka bilang isang napakagandang dalaga."

Tumango lamang ito at napapatingin lang sa aking malaking tyan. Napansin ko ito at itinago ang pagkabagabag sa isang tawa.

"Pasensya na, Kamahalan, at hindi pa siya lubusang... maayos," sabi ni Astrid.

"Walang problema, Pinuno." sagot ko.

Nakaramdam ako ng kamay sa aking tyan at nakita ko si Ninette na nakatitig dito habang hinahaplos ang aking tyan. Pagkatapos ng misteryosong galaw na ito, mabagal siyang ngumiti at tumingin sa mga mata ko. "Sabik na akong makita siya."

Bumuka ang aking bibig sa gulat ngunit bago pa ako makapagsalita, tumakbo na si Ninette palayo at bumalik sa kanyang taong-nyebe.



──────⊱⁜⊰──────


Nakapaligid ang lahat sa isang keyk na inihanda sa mesa. Ikinatuwa ng mga batang lingkod na maimbitahan sa isang selebrasyon at makakain ng mga handa na niluto mismo ng mga magulang. Ako ang nag-isip nito dahil nawari kong mas masaya kapag mas maraming batang kasama si Ninette kesa sa aming matatanda.

Paraisla i: PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon