- H : 2 -

670 30 2
                                    



──────⊱⁜⊰──────

Ikatlong Libro: Henrieta

O2

──────⊱⁜⊰──────



Sinama ko si Iris sa pagbili ko ng mga kailangan sa bayan ng Hana. Tumatak sa ibang mga isla na ang Hana ay puro lamang pabrika at makakapal na usok. Ngunit sentro din ito ng bilihin. Dahil ang islang ito ay ang pagawaan, dito ang unang mabibilhan ng iba't-ibang produkto: Papel, tela, pabango, telebisyon, sasakyan at kung anu-ano pang komersyal na gamit.

Umuulan ng nyebe dahil taglamig na. Tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Iris ang mga tindahan na ang mga pader ay salamin. Sa loob nito'y mga manekin na nakabihis ng mga bestidang kumikinang. May iilan nang mga sasakyan sa lansangan, halatang mga negosyante lang ang nakakabili nito. Amoy din sa hangin, bukod sa masangsang na usok, ay mga pabango sa nadaanan naming botika.

"Ang ganda," bulong ni Iris. Hawak ko ang isa niyang kamay habang sa isa naman ay basket ng mga pinamili.

Nakatakip ang aming mga bibig ng tela at nakataklob ang aming mga ulo ng makapal na telang may balahibo. Mahirap nang may makakilala sa'min. Ngunit sa dami ng mga taong nakatakip din ng bibig, tingin ko'y hindi kami mukhang kahina-hinala.

Pumasok kami sa isang botika ng mga gamit pang-bata, mamahalin at hindi, at ibang antik na bagay. Nginitian kami ng isang matandang lalaki. "Anong maipaglilingkod ko?"

"Kailangan ko ng ilang lampin. Tsaka pati na ang mga ito," sabi ko at nag-abot ng kapirasong papel na listahan. Tiningnan naman ito ng matanda at sinabing hintayin namin siya. Umalis siya at kinuha ang mga kailangan namin.

"Kayganda!"

Isang boses ang aming narinig na galing sa isang babae. Nilingon ko ang aking likod at nagitla sa dalagang narito ngayon. Si Prinsesa Cixi. Ang kapatid ni Lax na nakikita ko sa mga broadcast. Humigpit ang hawak ko kay Iris at iginaya siya sa isang sulok habang papunta si Cixi sa harapan ng botika hawak ang isang kristal na kahon.

"Ito na siguro ang ibinilin na music box ni Kuya. Tingin mo?" sabi niya na tuwang-tuwa sa isang lingkod na kasama. Kaya naman pala may isang mamahaling sasakyan sa labas ng botika kanina.

"Dala mo ba ang iba pang pinamili ko?" tanong nito sa lingkod.

"Nasa sasakyan na po, Prinsesa."

"Mabuti. Teka, nasaan na ba ang matandang 'yun?"

Nang tingnan ko si Iris ay nakatutok lang siya sa dalagang iyon. Tila ba mayroon siyang nahanap na pamilyar sa mukha nito. Bigla akong kinabahan. Kapag nakita ni Cixi si Iris ay malaki ang tsansang makilala niya ito bilang ang babaeng minahal ng kanyang Kuya.

"Iris," marahas kong bulong upang kami'y umalis na.

Hindi niya inaalis ang mata sa babae. At nang mangyari ang kinakatakot ko, lumingon sa direksyon namin si Cixi. Nanlaki ang kanyang mata-

Paraisla i: PangakoWhere stories live. Discover now