Chapter 1

6.6K 75 6
                                    

 “You have to accept whatever comes and the only important thing is that you meet it with the best you have to give” (Eleanor Roosevelt)

After hearing those words one sunny afternoon that is when realization hits me. Hindi pwedeng ganto na lang ako palagi. Kung mamatay man lang din ako why not enjoy my short span of life to the fullest?!. Matagal ko ng tanggap na hindi ako magtatagal dito sa mundo but then bakit ko pa sasayangin ang mga natitirang sandali ng buhay ko sa ganto?! So after two years ng pagco-convince sa mommy at daddy ko pinayagan na nila akong umuwi ng Pilipinas.

Yes! You’ve heard it right…I was born with a heart ailment but then it didn’t stop me to live my life the way I want it. After being stuck in California I decided to follow my best friend here in the Philippines and as for all you know I’ve been here for 2 years already. Ayaw man ng parents ko na pauwiin ako sa Pilipinas eh wala na sila nagawa, I always get what I want and that’s me. Simula ng dumating ako nakapag decide na ako na dun na tumira sa bahay ng best friend ko tutal she’s not only my certified BFF but she’s also my cousin. Money was never a problem to us considering a lot of businesses my family owns. Pero siyempre hindi mo pa rin maalis yung time na aatakihin ako ng sakit ko at nandyan pa rin ang mga gamot at food supplements at vitamins na kelangan inumin araw araw. And as a condition for my stay here I agreed to at least visit the hospital 3 times a month. Well kung iisipin much better na yun kesa naman ang halos thrice a week na pagpunta ng doctor sa bahay. Kung tatanungin ako I’m already fed up on seeing doctors and even staying in the hospital nakakasawa man pero wala na ko magagawa.

Simula ng umuwi ako ng Pinas every day is always been fun. We’ve got to visit a lot of tourist spots, clubbing all night and want to sawang shopping.  Wag kayong magtaka kung bakit nagagawa ko pa yan hell I’m not that weak as you think! Malakas pa ko and I’m not yet dying! Kayo ko pang makipagsabayan sa dance floor and even play sports although yun lang everything has its own limitation.

Wanna guess where I am?

Ayun… dito ako sa Hospital halos mag 3 days na rin ako dito. Ang pilya ko kasi eh, maglaro ba naman ng volleyball the whole day isama pa ang sobrang init at tirik na araw sa condition ko what do you expect?! Hehe nagalit nga si mommy at sinabihan pa ako ng kung uulitin ko pa yun at gumawa pa ng mga kalokohan that concerns about my health eh pababalikin nya ko sa California. Kung hindi nga siguro na assured si mommy at daddy na ok ako eh malamang umuwi na ng wala sa oras yung dalwang yun.

Pagkagising ko eh nakita ko si Rianne na tulog na tulog sa may tabi ko. Kahit may pagkapasaway din tong babaeng toh heto siya binabantayan pa rin ako. Bakas sa mukha nya ang pagod..

“Haist.. am I being a burden?! I’m sorry..”

Maya maya pa eh may kumatok at pumasok na si Nurse Joy. Siya na yung nurse na assign sa akin everytime na dadalhin ako sa hospital o kaya naman eh magpapacheck-up. Isa pa komportable na rin ako sa kanya dahil nga sa kilala ko na siya.

“oh gising ka na pala.”

“kani-kanina lang naman.”

“ah.. hehe mag check lang ako ng vitals saka yung dextrose mo tapos aalis din ako agad. Mamayang 7 pm babalik ako para sa gamot mo ok.”

“ok po” tapos ayun lumapit na si Ate Joy at saka ginawa na nya yung mga routines na kailangan nyang gawin. Nagtanong tanong din siya ng mga bagay bagay kung ano na yung nararamdaman ko at kung ano ano pa at ayun nung natapos na siya eh nagpaalam na siya umalis.

“ahmm ate Joy” sabi ko nung bubuksan na nya yung pinto.

“hmm?” nilingon naman nya ako at yung mukha nya eh hinihintay kung ano yung sasabihin ko.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now