Chapter 22

2.5K 20 0
                                    

Isinarado ko yung notebook ko at ipinasok sa bag.

Kanina pa ko nag-rereview sa physics pero wala pa rin napasok sa utak ko.

BADTRIP!!

Bahala na nga si Batman mamaya.

ang sakit naman kasi..

ang sakit na nga ng puso ko physically.

ang sakit pa nito emotionally.

Nastress tuloy ang bangs ko.

Haisst..

Nandito ako ngayon sa garden ng school.

Ito na kasi ata ang pinakatahimik na part ng school at kaonti lamang ang nagagawi dito kaya ayun halos ako lang talaga ang natambay sa lugar na ito.

Lunch break kasi namin ngayon kaya after ko kumain dito na ako dumiretso.

Nakahiga ako dito sa may grass habang nakatingin sa langit.

Hindi naman mainit dito dahil napaliligiran ito ng mga puno at nasa ilalim din ako ng puno.

Ano na kayang ginagawa ni Xander ngayon?

Ayt mali mali…

Hanubeyen!

ERASE ERASE ERASE..

Hindi dapat ganun yung iniisip ko.

Peste naman kasi…

Simula nung gabi nung party hindi na siya mawala sa isip ko.

At ang nakakainis pa eh hindi ko mapigilan hindi sumaya pag naalala ko yun.

Tapos tapos..

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ko na.

Gusto kitang mahalin Xander

Pero hindi pa rin kasi ako sigurado.

Paano na lang kung nadadala lang ako ng emosyon ko.

Paano kung naaawa lang pala sa akin si Xander.

Saka haler!!

Wala namang gusto yun sakin.

A Love to last....(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن