Chapter 33

2.1K 24 5
                                    

I dedicate this to my bestfriend! ahaha.. Myz! nawindang talaga ko ng malaman na nabasa mo ito. ahaha Adik! hindi ko akalain kasi nga secret ko ito HAHAHA...ang dami ng may alam, ayaw ko nang ituloy. AHAHA JK anyways THANK YOU... =D

Gusto ko din magpasalamat sa mga nag comment last  chaptie.. HIGHLY APPRECIATED KO YUN.. tumagos sa puso ko.. ahaha at natawa ako sa isang reader nito. ayaw nya daw mag comment dito kasi ayaw nya ko maging masaya. HAHAHA.. adik! alam mo na kung sino ka hahaha..

i got news for you guys:

GOOD NEWS: I'm planning to finish this story bago mag december

BAD NEWS: Mukhang imposible yung sinabi ko sa good news.. HAHAHA..

and hooraay! natapos ko na yung outline ng story. hopefully magawan ko na ng kwento kada chapter.. hmm mga 20+ chapters pa ata yun or less. basta hindi ko sasabihin kung kelan yung ending. magugulat na lang kayo ang ipopost ko epilogue na. ahaha and you know i'm planning na i private yung epilogue nito.. ahaha

osya.. feeling ko ang gara ng chapter na ito.. anyways.. enjoy reading and THANK YOU..

SHay POV

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong i-slide yung card key sa condo unit ni Xander.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tayllah ay marami akong na-realize na mga bagay bagay at mas naliwanagan yung nararamdaman ko para kay Xander.

Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob at binuksan yung pinto.

Muli akong huminga ng malalim pagkapasok ko sa loob. Sandaling ipinikit ko ang aking mga mata.

Baka kasi namamalikmata lang ako sa nakikita ko ngayon.

Baka nilalaro lang ako ng imahinasyon ko at kung anu-ano na lang yung nakikita ko.

Pero hindi….

Ang dating malinis at maayos na unit ni Xander ay nagmistulang dinaanan ng isang malakas na bagyo kaya naman nagsitumbahan ang mga tukador at iba pang displays.

Nagkalat ang mga bote sa paligid pati na rin mga basag na gamit.

Kasalanan ko ito

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon