Chapter 63

1.8K 23 10
                                    

Pinapakiramdaman ko ang aking paligid.

Ngunit tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

Walang mga bakas ng kung sino man.

Walang sigaw at taong nag-uusap,

Pero hindi mawala ang takot sa puso ko.

Takot, pangamba at galit.

Galit sa panibagong araw na gising na naman ako.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumitig sa putting kisame kung saan nag re-reflect ang sinag ng araw.

Isang panibagong araw na naman ang ibinigay sa akin.

Isang panibagong araw na himdi ko alam kung ikatutuwa ko pa ba o ipasasalamat.

Hindi na ata ako sasaya pa.

Dahil bawat araw na lumipas ay isang kalbaryo sa buhay ko.

Pakiramdam ko ay taon ang katumbas ng bawat araw.

Lalo na’t wala siya,

Ang hirap..

Ang hirap hirap ng wala siya,..

~~

Tumakbo ako.

Tumakbo ako ng tumako hanggang sa tingin ko ay ligtas na ko.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon