Chapter 3

3.7K 41 3
                                    

Xander POV

Yes! Ako nga yung Mr. Park na yun. Well actually ang name ko talaga is James Xander Park but you can call me Xander na lang. heto ako ngayon nasa starbucks kasama ng maingay na babaeng toh. Jeez, halos mag iisang oras na kaming nakaupo dito eh nonstop pa rin yung kakatanong at kakasalita nya. Kung ano daw gagawin namin? Paano magiging iba ito sa mga nakaraang outreach program? Yung budget na kailangan at kung ano ano pa. na wala naman akong masagot kasi wala naman akong alam dito. Ewan ko ba sa lola ko kung anong trip nun at ako ang naisipan na mag plano. Damn! I dunno a thing about this shit! Saka paano ako makakapag-isip kung ang ingay ingay nya at nonstop ang bibig. Amp!

“HOY!”

“oh?!” ako naman si gulat. Sigawan ka ba naman sa mukha. Buti di pumutok eardrums ko.

“alam mo Mr. Park, pansin ko lang ah. Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero ni isang word wala ka man lang sinabi. You know what sorry for being rude ah pero I’m losing my patience na. alam mo pareho naman nating alam na hindi natin gusto ang isa’t isa kaya kung pwede lang makipag-cooperate ka na sa akin para matapos na agad natin ito.”

Fuck! Tama ba pagkakarinig ko?! Sinasabihan nya ko ng dapat gawin?! Aba!! Nakakarami na siya ah, baka nakakalimutan nya may atraso pa siya sa akin dahil dun sa hot chocolate na natapon sakin.

“alam mo I don’t-”

Ring…ring..ring..

“hello?”

Cge bastusan?! Kinakausap na nga, siya naman tong biglang may ibang kausap.. Damn! Lokohan lang?!

“ah.. sige sige I’ll wait for you outside na lang bye..”

Binaba na nya yung phone nya at inilagay nya na sa bag nya. Humarap na siya sa akin at muling nagsalita.

“Mr. Park, wala rin namang sense yung meeting natin ngayon at cguro nagkakailangan pa rin tayo. Wala pa rin naman tayong nagagawa at nauumpisahan so I think we’ll just meet some other time.”

With that umalis na siya pero bago pa man siya makalabas ng starbucks eh lumingon ulit siya sakin

“Nice meeting you..” sarcastic na pagkasabi nya..

WTH! What’s wrong with her?! Sa sobrang bilis ng pangyayari na stunned na ko sa kintatayuan ko at syempre speechless na din. Damn! Sinundan ko lang siya ng tingin palabas. Habang nasa labas siya nakatayo eh patuloy pa rin akong nakatingin sa kanya. Honeslty speaking she’s good looking.. oh come on Xander just admit it ok?! Yeah! She’s gorgeous… pero teka, bakit hindi pa siya naalis? Hmph! Bahala siya as if I care. Maya maya pa eh may dumating na kotse at may bumaba na lalaki. Lumapit yung lalaki sa kanya and give her a peck on a cheek. Damn! Did she just blush?! Isn’t she too cute?! What?! Did I just think about that. Psh! Kung makangiti naman siya, malamang boyfriend nya yan mukha naman kulugo >.< .  Sumakay na sila dun sa car and ayun umalis na. So ano pang point ng pag stay ko dito?! Jeez, sayang lang sa oras. Lumabas na ako ng starbucks at sumakay sa kotse ko, agad  namang pinatakbo ito ng driver namin at tumawag ako kay Troy.

“Where are you?”

“dito sa condo. Pero aalis din ako eh, wanna come?”

“Sure. San ba yan?”

“Club Zero”

“Alright, I’ll be there”

Sakto naman may gimik si Troy, pampawala ng boredom at bv. Ilang minutes pa e dumating na rin ako sa Club Zero, hindi pa ko nakakalabas ng car ko eh nakaabang na si Troy sa akin.

“Yow” sabi nya habang ako eh nag nod lang. maya maya lang eh pumasok na kami sa loob. Ang daming tao ngayon kahit Monday. Haisst mga tao nga naman hindi mo maintindihan minsan. Sinundan ko lang si Troy papasok at huminto sa isang table. Nandito pala ang barkada and as usual may mga kasamang babae.

“oi pare buti nandito ka” sabi ni Mico sakin

“can’t miss the fun” sabay smirk

“yun yown eh! Wooo.. cheers!!” sabi ni Gelo sabay abot sakin ng San mig lights.  Nag cheers na kaming lahat at ininom na yung drinks, ayun bottoms up.

“oo nga pala may balita na about dun sa car racing pare” Jasper

“so ano daw?” tanong ko

“bago pa pala mag start yung race eh tinanggalan na nila ng brake kotse mo kaya ayun!”

“tss!! Sabi ko na nga ba eh”

“don’t worry pare may araw din yun satin. Sa ngayon let’s have fun muna. Lalo na nakalabas ka na ng hospital.. bwahaha  aray naman!!!” sabi ni troy

Paano siniko ko, cge tumawa pa siya >.<

“ikaw! Hindi ba pwede sayo mag-iinom baka kagalitan ka ng manager mo.”

“don’t worry dude, nagpaalam na ko sa kanya this time. haha” troy

Yeah, may manager si Troy isa kasi siyang model. Tss Hindi ko maintindihan kung bakit nya pinasok ang mundo nun to think hindi naman nya kailangan ng pera kasi marami na sila nun. Ayan may mga limitations na tuloy siya at yung manager nya daig mo pa nanay o gf nya dahil kailangan alam kung nasan ka, anong ginagawa mo pati mga kakainin mo. Halos wala ka ng privacy kasi pati mismo mga personal things such as favorites and relationship dapat alam nya. Hindi ko nga alam kung paano nakakatagal yang lalaking yan. Sa bagay ano pa bang magagawa ko after all he’s Troy Marcus Fuente.

“tama lang yan! baka naman sunduin ka pa nyan mamaya?”

“Shut up!”

“HAHAHA….”

“eh ikaw kamusta na yung… ano ba yun yung… PROJECT MO?”

“psh!”

“HAHAHA”

Nakabawi naman agad siya sa akin. Alam nya kasi kung gaano ako ka pissed off nung malaman yang freaking project na yan! Darn it!. Thankfully nagyaya na sumayaw yung mga babae at pumunta na sa dance floor ang barkada hindi na natuloy yung banat sakin ni Troy. Ako?! Dito lang ako nakaupo.. nah! Dancing was never in my dictionary. I guess I’ll be just enjoying myself together with my drink tonight. 

A.N

hehe thnx sa pagbabasa guys!

pa recommend naman sa iba kung type nyo yung story..

pahingi naman ng comment.. hahaha

saka pa vote na rin..

thnx you.!!!

mwuah

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now