Chapter 48

2K 24 1
                                    

NOTE:

sorry antagal ng update.. next week medyo luluwang na sched ko.. haha hopefully mabilis na ulit ako mag update!.

pa plug ulit! please do read "Teenage Babysitter" and "Stay Forever"

dedicate ko nga pala toh sa kanya.. hahaha kasi may atraso ako eh. ate! sorry hindi ko pa naayos yung hinihingi mo. haha busy pa eh ^_^V

Rianne POV

 

“Oh sige na, mag ready na kayo.” Narinig kong sabi nung bakla habang pababa ako ng hagdan.

2 days na ang nakakalipas after ng party.

Meaning two days na simula ng magkita si Troy at Elise.

Napatingin ako sa kanila na parehong nakaupo sa sofa at magkatabi.

Kasalukuyan silang kinakausap ng isang bading na Georgina ang pangalan para sa sa sayaw na gagawin nila sa araw ng pista dito.

Kinausap kasi si Troy ng isa sa mga opisyal dito kung pwede ba syang sumama sa isang parada. At dahil nga sa kailangan nya ng kaparehang babae ay malamang na pinili nya na si Elise.

Alangan namang ako hindi ba?

Asa pa ko!

At dahil sa kasama sila sa parade ay may sayaw silang gagawin pagkatapos ng parade at pag nagtipon tipon na ang mga tao sa plaza.

Bali sila kasi ang magiging opening at pangungunahan ang sayawan doon.

Napatingin sila sa akin pareho.

Agad akong nginitian ni Elise.

Shit!.. wag mo nga kong ngiti-ngitian dyan! Kung batuhin kaya kita ng tsinelas ko. Sa isip isip ko habang naglalakad papuntang pintuan.

“Good Morning”

Tinignan ako ni Troy sa mga mata pero agad kong iniwas yung tingin ko at nagmamadaling naglakad na tila walang narinig.

I’d rather be called bitch kesa makipagplastikan sa kanila.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now