Chapter 42

2.1K 26 7
                                    

Ramdam ko yung panghihina ng mga tuhod ko habang pinapakinggan na nagsasalita sa kabilang linya si Troy.

Agad akong lumabas ng condo unit pagkasabi nya kung nasaang ospital dinala si Xander.

Hindi na ako nagtaka pa sa mga luhang umagos mula sa mga mata ko at hindi na rin ako nag abala pang punasan ito..

Dumidilim yung paningin ko pero siguro dahil na rin ito sa kulang sa tulog at kain…

Si Xander naaksidente…

Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako..

Natatakot ako..

Hindi maari ito..

O God! Please.. Don’t let anything happen to him..

Nanginginig yung buong katawan ko habang naglalakad/patakbong papasok ng ospital..

Kung ano anong flashes of imagination ang nagpa-pop out sa utak ko.

Mga posibleng mangyari kay Xander.

Pagkadating ko sa harap ng ER ay naabutan ko doon si Troy kasama si Rianne pati na rin ang mama ni Xander.

Lahat sila ay napatingin sa akin at agad lumapit si Rianne para yakapin ako.

“A-anong hik anong nangya-yari hik?

“nabangga yung kotse ni Xander ng isang truck..” sabi ni Troy..

Bumitiw sa pagkakayakap sa akin si Rianne at naglakad ako palapit sa mama ni Xander.

Kapareho ko ay namumugto rin ang mga mata nya sa kakaiyak.

A Love to last....(COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora