Chapter 64

1.9K 31 7
                                    

*cross fingers* nawa'y ma carries away kayo sa emotion. hahaha ^_^

next update will be the epilogue ^_^



Nagbukas ang pintuan sa aking silid.

Ngunit ni hindi ko man lang nilingon kung sino ang pumasok.

“Shay, halika na sa baba. Nakahain na ang pagkain.” Rinig kong sabi ni Rianne pero nanatiling nagpalakad lakad ako sa kwarto.

“Shay, itigil mo na nga yang kalalakad mo. Alam mo ako yung nahihilo sa ginagawa mo.” This time nilingon ko na siya.

Nakapameywang siyang nakaharap sa akin at kitang kita sa mukha nito ang pagkairita.

Naglakad ako palapit sa kama ko at saka naupo.

Tinignan ko si Rianne na lumapit at naupo sa tabi ko.

“Rianne, baka pwede mo namang tanungin si Troy. Baka-” pero hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng magsalita si Rianne.

“I’m sorry Shay.” Napaka apologetic ng mukha nya at bakas din dito ang pagkaawa.

“Don’t bother. I knew it.” Matigas na pagkakasabi ko sa kanya.

Halata niya siguro ang disappointment sa mukha ko kahit na taliwas ito sa tono ng boses na ginamit ko dahil mas lumapit siya sa akin at nung akmang hahawakan niya sana ang balikat ko eh bigla akong tumayo.

“alam ko namang hindi mo ko tutulungan.” Hindi ko ide-deny na nangongonsensiya ako. Pero sa totoo lang wala na kong pakialam. Kahit ano gagawin ko.

“Shay, alam mong hindi totoo yan. As much as I wanted to force Troy na sabihin sa akin kung nasaan si Xander eh hindi ko magawa. Yo have to understand naiipit din siya sa sitwasyon.” Pagkatpos nyang sabihin iyon eh nakita ko siyang nagbuntong hininga.

Alam ko naman eh.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now