Chapter 56

1.9K 23 6
                                    

Nagising ako dahil sa mga hikbing narinig ko.

Idinilat ko yung mga mata ko at nakita si Rianne sa may gilid ko.

Agad akong napabangon at niyakap siya.

“Y-yan.. anong nangyari? Ba’t ka umiiyak?” yun yung mga salitang sinalubong ko sa kanya pero ni hindi man lang siya sumagot sa akin at patuloy na umiyak.

“Rianne… tell me what’s wrong?!” nagpapanic na yung boses ko at may halong pagaalala.

“It’s your fault!” pero nabigla ako sa sinagot ni Rianne sa akin.

Anong ako??

“Rianne ba-bakit? A-anong ginawa ko?”

“It’s your fault as well as Troy. Lahat kayo, lahat kayo iiwan lang ako.” Kung kanina umiiyak na siya ngayon parang naghi-hysterical na siya.

“Iiwan nyo lang akong lahat. Wala kayong pinagkaiba sa daddy ko.!” Sumisigaw na siya at kumawala siya mula sa pagkakayakap ko.

“Ri-rianne, a-ano bang nangyari?” natatakot ako sa kanya.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

Yung mata nya kahit na may mga luha ay punong puno ng pain, hatred at galit.

“Si daddy iniwan ako, si Troy ganun din! Pati ba naman ikaw?! Pare-pareho kayo. Hindi nyo ko mahal.” Para syang batang iniwan sa daan ng mga magulang nya at ang sakit isipin na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Parang sinasampal nya sa akin ang katotohanan.

Na katulad ng  Daddy nya.

Iiwan ko rin sya.

“Shay… Hik!.. ang sakit lang..” sabi pa nito na nakahawak sa may parting dibdib nya.

“Ba-bakit hik ganun si-hik-ya..”

Unti-unti na akong lumapit sa kanya. Katulad nya ay umiiyak na din ako.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon